Advertisers

Advertisers

UNITED FRONTLINERS PARTYLIST (113)

0 42

Advertisers

113 ang numero ng United Frontliners Partylist sa inyong balota, na pinangungunahan ni Retired Philippine National Police, Lt. Gen. Rhodel Sermonia.

113, “1 God”, “1 Country”, “3 Island” (Luzon, Visayas, Mindanao). Yan ang paglalarawan ni Sermonia sa numerong nai-assigned sa kanila para sa darating na a-dose ng Mayo ngayong taon.

Maganda ang pagkakahalintulad ni Sermonia ng kahulugan ng kanilang numero sa balota na 113, dahil binigyan pa ng isang kahulugan ni Sermonia ang 3 sa kanilang number sa balota na 113. Ang 3 raw sa numerong yan ay nangangahulugan na may 3 star general na nag-aalay ng kanyang sarili para maging kinatawan ng mga frontliners.



Tama nga naman, dahil si Sermonia ay three-star general nang siya ay mag-retiro, matapos ang halos 40 years in service. Maganda ang pagkaka-deliver ng mensahe nitong si Sermonia, sa napanood kong program sa youtube na ‘Bakit Kayo Sa Kongreso’ Media Forum na ang host ay ang aking kaibigan na si Pia Morato.

Sa programa, inilahad ni Sermonia ang magiging programa ng United Frontliners – ang maging tunay na kinatawan ng mga frontliners, na ayon kay Sermonia na first nominee ng partylist na iyan, ay kinabibilangan di lamang ng mga pulis at sundalo, kung di ng lahat na ng ‘uniformed personnel’ ng pamahalaan, kabilang na ang mga guro.

Bukod diyan, kumakatawan din ang United Frontliners sa mga sibilyang uniformed personnel, gaya ng mga nurses, security guards, hospital staff, at iba pang mga ‘force multipliers.

Eto ang tunay na partylist, sa tingin ko, dahil alam nito ang talagang sektor na kakatawanin nila.

Bukod pala diyan, ayon kay Sermonia, ang kanilang nominees ay sampu. Hindi ba? Ang ibang partylist ay tatlo o’ pinaka-marami na ay apat ang nominees. Bakit sa United Frontliners ay sampung nominees.



Ang paliwanag diyan ni Sermonia, dahil raw sa malawak ang sektor na kanilang nirerepresenta, ang sampu nilang nominees, ay galing sa iba’t ibang uri ng frontliners.

Bukod pa rin diyan, ito raw ay proteksiyon para sa magtatangkang makisakay sa kasikatan ng United Frontliners Partylist at bigla na lang bibilhin ang isang pwesto nito sa Kongreso.

Ayon kay Sermonia, may mga ganitong modus sa partylist system natin. Ang mga bilyonaryo, at mga political families ay ganyan lang ang ginagawa, bumili ng partylist para sa sarili nilang kapakanan at interes.

Parang CPP-NPA-NDF lang ang ibig sabihin nitong si Sermonia, na ang mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF ang talagang nasa likuran ng mga partylist na Kabataan, Alliance of Concerned Teachers (ACT), Bayan Muna, Anakpawis, at Gabriela, o’ “KABAG”.