Advertisers

Advertisers

Petisyon vs 2025 nat’l budget pinababasura ng OSG sa SC

0 4

Advertisers

HINILING ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema na ibasura ang petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng pambansang pondo ngayong taon.

Sa isinumiteng 89-pahinang komento na may petsang Pebrero 27, sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na kapos sa merito at depektibo ang inihaing petisyon laban sa 2025 General Appropriations Act.

Ikinatuwiran din ng OSG na malinaw na ang motibo sa paghahain ng petisyon ay hindi pagkuwestyon sa integridad ng 2025 GAA kundi ang para maharang ang pagpapatupad ng mga proyekto at programa ng gobyerno.



Isinantabi rin ni Guevarra ang mga pagdududa ukol sa mga sinasabing blanko sa 2025 GAA at aniya ang tinukoy ay ang enrolled bill at hindi ang committee report.