Advertisers

Advertisers

Pekeng pulis, timbog sa Valenzuela

0 82

Advertisers

Arestado ng pulisya ng Valenzuela ang isang lalaking nakasuot ng uniporme ng pulis, sa Ulingan West St., Barangay Lawang Bato, Valenzuela City, nitong Huwebes, Marso 6.

Kinilala ni PCol. Nixon M Cayaban, hepe ng Valenzuela City Police Station ang arestadong suspek na si alyas “JP”, 24, residente ng Barangay Maysan, Valenzuela City.

Sa ulat, habang nagpapatrolya ang pulisya ng Barangay Bignay substation-7, napansin nila ang suspek na nakasuot ng uniporme ng pulis. “Nagtaka po ang pulis natin kasi ang suot niya po ay ‘yung olive green BDU (battle dress uniform) saka po ‘yung GOA pants kaya po siya natanong [ng pulisya],” pahayag ni PCpt. Albert Verano, hepe ng substation-7.



Dagdag ng opisyal, ang BDU shirt na ginamit ng suspek ay isinusuot panloob sa pixelized long sleeves uniform ng pulis, at ang GOA pants na ginamit ay ang blue pants na uniporme ng pulis na hindi dapat ipinagteterno base sa sinusunod ng PNP.

Nang tanungin ng pulisya si JP, napag-alaman na ito ay hindi pulis. Dito na siya inaresto nina Pat Pimentel Bolibol at PSSg Chryrus Jan Bancolo. Nang kapkapan, nakita ang isang sumpak (improvised shotgun) na may isang bala na nakasuksok sa kanyang baywang. Nang hanapan ito ng ligal na dokumento, walang naipakita ang suspek.

Nahaharap si JP sa mga kasong paglabag sa article 179 ng Revised Penal Code o Illegal Use of Uniforms and Insignia at R.A, 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions in relation to B.P. 881 (Omnibus Election Code of the Philippines).(Beth Samson)