Advertisers

Advertisers

MPBL PARTYLIST 77 AT SEN. MANNY PACQUIAO, NANANAWAGAN NG RESPONSABLENG PANGANGAMPANYA

0 17

Advertisers

Sa patuloy na pangangampanya ng MPBL Partylist 77 at ni Sen. Manny Pacquiao, muling nanawagan si MPBL Partylist President Ronwald Fuentes Munsayac sa lahat ng kanilang mga tagasuporta at lider sa buong bansa na tiyaking sumusunod sa mga itinakdang alituntunin ng COMELEC.

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng ating mga volunteers at campaigners na walang sawang sumusuporta sa ating adhikain. Sa ngayon, wala pa tayong natatanggap na anumang abiso mula sa COMELEC, na nangangahulugang maayos tayong nangangampanya. Gayunpaman, nais nating maging proactive sa pagpapaalala ng tamang paraan ng pangangampanya upang mapanatili nating malinis at maayos ang ating laban,” ani Munsayac.

Alituntunin sa Pagpapaskil ng Campaign Materials



Ayon kay Munsayac, mahigpit na pinapa VTalala ang mga sumusunod na panuntunan sa pagpapaskil ng campaign materials:

Pinapayagan ang pagpapaskil sa common poster areas na itinakda ng LGU.

Pinapayagan sa pribadong ari-arian basta may pahintulot ng may-ari.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapaskil ng campaign materials sa mga pampublikong sasakyan, kalsada, gusali ng gobyerno, poste ng kuryente, puno, traffic signs, tulay, at iba pang pampublikong imprastraktura kung walang pahintulot mula sa LGU o may-ari ng lugar.

Malinis at Maayos na Kampanya



Binigyang-diin din ni Munsayac ang kahalagahan ng isang maayos at responsableng kampanya.

“Habang ipinaglalaban natin ang tagumpay ni Sen. Manny Pacquiao at MPBL Partylist 77, tiyakin nating sumusunod tayo sa batas. Iwasan natin ang paninira, huwag magpakalat ng maling impormasyon, at igalang natin ang ibang kandidato at kanilang mga tagasuporta. Ang isang malinis na kampanya ay sumasalamin sa ating integridad at tunay na hangaring maglingkod sa bayan,” dagdag niya.

Pag-iingat sa Init ng Panahon

Bilang bahagi ng paalala, nagbigay din ng babala si Munsayac kaugnay sa matinding init ng panahon ngayong tag-araw.

“Huwag nating kalimutang pangalagaan ang ating kalusugan. Uminom ng sapat na tubig, gumamit ng sombrero o payong, at magpahinga kung kinakailangan. Mas magiging epektibo tayo sa kampanya kung nasa maayos tayong kondisyon,” paalala niya.

Tuloy-tuloy ang Laban

“Tuloy-tuloy ang ating laban para sa MPBL Partylist 77. Sama-sama nating itaguyod ang grassroots sports development at isulong ang mas magandang kinabukasan para sa ating bayan,” pagtatapos ni Munsayac.

MPBL Partylist 77 – Isang Laban, Isang Adhikain!

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa MPBL Partylist 77 Media Relations Team.

#MPBLPartylist77
#LabanParaSaBayan
#CampaignResponsibly