Advertisers

Advertisers

Mahalaga ang impeachment laban sa mga magnanakaw sa gobierno…‘VP SARA DAPAT MAPATALSIK!’

0 33

Advertisers

IGINIIT ni House Deputy Majority Leader at La Union 1st District Representative Paolo Ortega V na mahalaga ang impeachment at pagpapatalsik kay Vice President Sara Duterte upang matiyak ang pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno, kasabay ng bagong survey na nagpapakitang pito sa bawat 10 Pilipino ang pumapabor sa mga kandidatong nagsusulong ng mga hakbang laban sa korapsyon.

Binigyang-diin ni Ortega na ang korapsyon ay hindi lamang usaping pampulitika kundi isang direktang banta para sa kapakanan ng mga Pilipino, na nagkakait sa kanila ng mahahalagang serbisyo ng gobyerno.

Ipinakita ng Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa Pebrero 15 hanggang 19, sa ilalim ng commissioning ng Stratbase Group, na 70 porsyento ng mga Pilipino ay inuuna ang mga hakbang laban sa korapsyon sa pagpili ng kanilang mga pinuno, na nagpapakita na integridad at pananagutan ang pangunahing isyu sa halalan.



Binigyang-diin ni Ortega na ang impeachment kay Duterte ay susubok sa pangako ng gobyerno sa transparency at mabuting pamamahala, lalo na sa gitna ng mga alegasyon tungkol sa paglustay niya ng confidential funds.