Advertisers
UMISKOR si Luka Doncic ng 32 points, LeBron James nagdagdag ng 31 upang tulungan ang Los Angeles Lakers na dugtungan ang kanilang winning streak sa eight games laban sa New York Knicks 113-109 overtime win Huwebes ng gabi sa Los Angeles.
Nagtala rin si Doncic ng 12 assists at eight rebounds, may 5 points sa overtime para sa Lakers na nag-improve sa 9-2 simula na ginawa ang kanyang debut noong Pebrero 10.
James umiskor ng final four sa Lakers, lahat sa foul line, at nagtapos ng 12 rebounds at eight assists para sa Los Angeles.
Brunson umiskor ng 39 points at 10 asists para sa Knicks.
Samantala,Stephen Curry kumamada ng 40 points, upang tulungan ang Golden State Warriors sa 121-119 wagi laban sa makulit na Brooklyn Nets.
Jimmy Butler nagdagdag ng25 points para sa Warriors,na nagtapos 4-1 sa kanilang road trip sa kabila ng nalaglag sa 27-5. Nagrally mula sa 20 down para manalo sa ikatlong pagkakataon ngayon season.
Golden State ay 10-2 simula pumasok si Butler sa lineup noong Pebrero 8 sa Chicago.Binura ng Warriors ang 24-point deficit sa laro na iyon, ang kanilang pinakamalaking comeback sa season.
Cam Johnson umiskor ng 26 points at Cam Thomas nagdagdag ng 27 para sa Nets.