Advertisers

Advertisers

Konsi Bong Marzan proud sa COMELEC accreditation ng Asenso Manileño

0 12

Advertisers

BILANG isa sa miyembro at kandidato ng nag-iisang lokal na partido ng Maynila na Asenso Manileño ay ikinatuwa at ipinagmamalaki nj Konsi Bong Marzan, kandidato sa pagka-Konsehal ng ika-apat na distrito ng Maynila ang muling pagbibigay sa Asenso…ng accreditation ng Commission on Election (COMELEC).

Ang Asenso Manileño ay isa lamang sa 14 na accredited local parties Comelec.

Naniniwala si Marzan sa pahayag ni Mayor Honey Lacuna, standard bearer ng partido na ang katatagan at lakas ng Asenso bilang lokal na partido pulitikal sa kabisera ng bansa ay patunay ng kolektibong katapatan nito sa tapat at totoong pagseserbisyo sa mamamayan ng lungsod.



Ayon pa kay Marzan, eksakto at sapul na sapul ang paglalarawan ng lady mayor na ang Asenso…ay eksaktong kabaliktaran ng personality cult na nakasentro sa dating alkalde.

“Hindi po kami pinili ng nag-iisang tao lang, mamamayan po ang pumili sa amin,” saad ni Marzan.

“Kami po sa Asenso…ay naninindigan sa prinsipyo ng partido, dahil kami po ang kumakatawan sa aming mga nasasakupan,” pahayag pa ni Marzan na kasalukuyang Direktor ng Liga ng Barangay at Chairman ng Brgy. 497 sa Sampaloc.

At gaya nga ng sabi ng kauna-unahang babaeng alkalde ng Maynila na Mayor Honey Lacuna…”All Asenso Manileño bets are servants of the people. Our commitment is clear: Serbisyong diretso sa tao – Tapat at Totoo.”

Samantala ay naimbitihan din kamakailan ang alkalde sampu ng kumpletong tiket ng Asenso sa Distrito 4 para sa Zumba saJaime St. corner Blumintritt St. kung saan nakipagpalitan ng galing sa Zumba si Marzan at Lacuna.



Pinaunlakan din nj Marzan ang ang imbitasyon ng 68th Year Anniversary ng Prudencio Black Rosary Unit sa Brgy 474 sa ilalim ni Chairman Diokno. (ANDI GARCIA)