Advertisers

Advertisers

Kaunting kembot na lang… molotov attacked, lutas na ng QCPD

0 26

Advertisers

Bagamat hindi pa napapasakamay ng Quezon City Police District (QCPD) ang riding-in-tandem na responsable sa pagsusunog sa pamamagitan ng molotov, sa kotse ni Philippine Star photojounalist Michael Varcas nitong Pebrero 19, 2025 sa Matipuno St., Barangay Pinyahan, Quezon City, masasabing malaki na ang progreso sa pagkakalutas ng kaso.

Ibig sabihin, kaunting kembot na lang ng QCPD ay malulutas na ang insidente na posibleng magreresulta sa pagkadakip ng dalawang suspek. Nabanggit natin ito makaraang matukoy na ang isa sa dalawang salarin. Hindi lang tukoy ang pangalan ang isa sa suspek kung hindi kilala na rin sa mukha.

Katunayan, sa pagkakatukoy sa mga salarin ayon kay QCPD Director, PCol. Melecio Buslig, Jr, kanila nang kinasuhan ang dalawa – sa ngayon kasong arson (muna) ang isinampa kina alyas “Totoy,” at isang “John Doe” kaugynay sa nanagyaring krimen.



Itinago muna ng pulisya sa pangalang “Totoy” ang natukoy nang suspek upang hindi masunog ang patuloy na isinagawang follow-up operation ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na pinamumunuan ni PMaj. Don Don Llapitan.

Sa pagtitiktik ng mga magagaling na detektik ng CIDU, nakakalap sila ng impormasyon mula sa isang saksi kung saan bago mangyari ang “molotov attack”, napansin ng saksi ang kahinahinalang mga ikinikilos ng dalawang salarin.

Ayon sa saksi, nitong Pebrero 18, bandang 7:30 ng gabi, nakita niya ang dalawang suspek sa Pook Aguinaldo St., Brgy. UP Campus, Quezon City, na may dala-dalang plastic bottles, isang pirasong tela, at isang plastic container na may lamang gasoline at may nakakabit na lighter igniter. Sa dalawang lalaki, tanging si si “Totoy,” ang kanyang nakilala.

Dahil sa mga nakitang hawak ng dalawang suspek, natanong tuloy ng saksi kina Totoy kung gagawa ba sila ng gasera kung saan pinagtawanan na lamang siya ng dalawa.

“Tingnan mo na lang sa balita.” ang sagot ng dalawa sa saksi.



Makalipas, nang marinig sa balita ng saksi ang hinggil sa molotov attack, nakonbinse siyang may kinalaman ang dalawa sa nangyariong krimen.

Siyempr, hindi na pinalagpas ng CIDU ang impormasyon at agad na nagsagawa ng ocular investigation nitong Marso 3, 2025, dakong 5:50 PM sa Pook Aguinaldo, Brgy. UP Campus, kung saan huling namataan ang mga suspek.

Sa pagsusuri, nakarekober ang CIDU ng isang (1) 500mL plastic bottle with cap na may lamang residue ng gasolina, isang empty 1L mineral plastic bottle na hinati sa dalawa, isang pirasong puting tela, isang blue glove at isang puting tela na nakasuksok sa empty 1L mineral plastic bottle na nahahati sa dalawa.

Hayun base sa mga nakalap na ebidensiya, pinaniniwalaan ng CIDU na malaki ang kinalaman ng dalawang salarin sa nangyaring ‘molotov attack2 dahilan para kasuhan ang dalawa ng arson sa ilalim ng Article 320 of the Revised Penal Code (RPC).

Nilinaw naman ni PCol. Buslig Jr., na tanging ang panununog pa lamang sa sasakyan ang ikinaso sa dalawa dahil sa pagkakasunog ng sasakyan ni Varcas habang patuloy pa ang CIDU na nangangalap ng ebidensiya kaugnay sa motibo ng krimen – inaalam kung ang pangyayari ay may kinalaman sa trabaho ni Varcas bilang isang photojounalist o ang anggulong personal. Malalaman ang motibo sa pagkakaaresto ng mga suspek kung saan ito ngayon target ng manhunt operation ng CIDU.

Sa background check ng QCPD sa pamamagitan ng Investigation Solution Automated Verification System (ISAV, lumabas na si “Totoy” ay naaresto na matapos nasangkot na sa krimen tulad ng P.D. 1602 (Illegal Gambling) noong Enero at Oktubre 2024 at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) noong Marso 24, 2024.

Sineguro naman ng QCPD sa publiko na patuloy ang isinagawang malalimang imbestigasyon para sa pagkakaaresto ng mga suspek.

“We will not rest until justice is served,” pahayag ni PCol Buslig, Jr.

Katulad ng naunang nabanggit, bagamat hindi pa hawak ng QCPD ang dalawang suspek, naniniwala ang pamilyang mamamahayag na makakamit ni Varcas ang katarungan sa pamamagitan ng pagtaya ng QCPD ng kanilang buhay para sa ikalutas ng krimen.