Advertisers

Advertisers

Kaila mas bagay kay Richard kaysa Daniel

0 23

Advertisers

Ni Archie Liao

PATULOY ang magagandang feedbacks sa high octane action series na “Incognito”.

Katunayan, inaabangan ng mga tagasubaybay ang interesting twists ng serye bukod sa mga maaaksyong eksena ng palabas.



Kung swak at kwela ang tandem ng MaThon nina Maris Racal at Anthony Jennings, siyempre may pambalanse din naman sa arko ng kuwento ni Kaila Estrada.

Hindi rin pahuhuli ang isa sa mga bida ng serye na gumaganap sa papel ni Max Alvero.

Brilliant din ang ideya ng writer na gawan siya ng love story na diumano’y pinag-aagawan ng mga karakter nina Richard Gutierrez at Daniel Padilla.

Naiintriga naman ang ilang mga tagasubaybay kung kanino mapupunta si Kaila sa dalawa niyang leading men.

May mga shippers din sa viewers sa kanilang minamanok para kay Kaila.



Ito ang ilan sa kanilang mga reaksyon.

“Mas bagay sila ni Richard kesa kay Daniel. Mas intense ang kanilang chemistry.”

“Parang pilit iyong love angle kina Kaila at Daniel.”

“May element ba ng incest. For sure, bet na bet ni Karla si Kaila. Pareho silang Estrada.”

“Akala ko nga pinsan siya ni Daniel. Hehe.”

“Tama pilit yung kay Daniel samantalang si Kaila at Richard refreshing, bagay na bagay sila, wag lang patayin character ni Richard para ipush sya Kay Daniel”

“oiii pero kinikilig akoooo hahaha ang ganda kase ni kaila. parang kahit kanino sya ipartner ang ganda ganda nya.”

“FOCUS TAYO sa character lang ah. hindi sa totoong buhay. Kaila wag ka mafafall. palabas lang to… pero ang lakas ng dating. haha hoho hihi”

“The red flags are out.”

“In fairness, pampadagdag siya ng rekado sa kuwento.”

“Parang kay DJ siya mapupunta dahil sa major sickness arc ni Richard sa istorya.”

“Ang haba naman ng hair ni ghurl. Pinag-aagawan ng dalawang menchu.”

“Parang mag-ate kapag Kaila at Daniel lol.Mas okay sila ni Richard.

Ayon naman sa isang source, ayaw daw munang seryosohin ni Kaila ang lovelife dahil pokus muna ito sa kanyang karera.

Maaga rin kasing natuto si Kaila sa kinahinatnan ng pagsasama ng kanyang mga magulang na sina Janice de Belen at John Estrada.

Saksi rin ito sa hindi magandang paghihiwalay ng kanyang ama at ng partner nitong si Priscilla Meirelles kaya naman naghihinay-hinay daw ito pagdating sa usapin ng mga puso.