D’BODIES: NEXT GEN Ng Water Plus Productions Dumaan Sa Matitinding Auditions, Ilulunsad Na Ngayong March 8; Retired RN Sa US Na Si Ma’am Erlinda Reblando And Sisters Nag-Asian Tour At Aming Naka-bonding!
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
YES, maihahalintulad na rin sa training ng mga sikat na K-POP Group ang pagdadaanan ng mga new discovery na D’ BODIES NEXT GEN ng Premiere Water Plus Productions ni Madam Marynette Gamboa na isa ring film producer at husband actor-director (my best director) Efren Reyes, Jr. Yes, sa audition pa lang ay sinala na ng husto ang 9 girls, na karapat-dapat na pumalit sa controversial noong early 2000 na original na D’ BODIES ni Madam Marynette na nagpasikat ng song na “KILITI” na naging movie rin.
Idinaan din sa voting ang pagkakapili ng bawat miyembro rito. Well, knowing my dear friend Madam Marynette, hindi matatawaran ang strategy nito pagdating sa pagpo-promote ng alaga. At ang target ng magandang lady produ ay makapag-perform ang New D’ BODIES, hindi lang dito sa Pinas kundi sa abroad. At kasama siyempre diyan ang nakahanda nang recording ng grupo na ang mga song ay iko-compose ni Boy Christopher, na talent na rin ng Water Plus Productions.
By the way, ngayong March 8 ay ilulunsad na ang D’BODIES ng bagong henerasyon sa Great Eastern Hotel Ballroom sa Quezon City.
***
EVERY year ay sa Cruise Ship nagbabakasyon ang dear friend ko from Manhattan New York City na si Ma’am Erlinda na isa ng retired Registered Nurse. At always nitong kasama ang kanyang circle of friends at mga kasosya sa kanilang kilalang HOSPICE, sa Houston Texas. At noong walang pandemic ay nakakapag-bakasyon rin yearly sa Pinas ang super kindhearted naming Amiga. At this year ay ipinagliban na muna ni Ma’am Erlinfa ang mag-cruise ship. Kasama ang mga biyuti ring sisters na si Ma’am Sexy Soie at Ma’am Dalagang Filipina na si Ma’am Olive na kanilang eldest ay nag-Asian Tour sila. And their first destination is Bangkok Thailand na bukod sa masasarap na Thai delecacies at shopping ay na-enjoy rin talaga ng magkakapatid at ang panonood sa show ng mga Lady Boys, na bukod sa magagaling raw na performers ay mas magaganda pa kaysa sa totoong babae. And finally ay nakapag-bakasyon rin uli sa Pinas, si Ma’am Erlinda and her 2 loving sisters. At pare-pareho silang nag-stay sa kanilang mga sosyaling condo sa BGC. Nakapamasyal na ang mag-sisters sa ilang Tourist destinations sa bansa and dine-in sa famous Resto in Taal, Batangas etc. At last Tuesday, ay binlow-out kami ni Ma’am Erlinda, Ma’am Soie and Ma’am Olive sa popular Resto na MANAM, sa SM North Edsa. At bongga at no limit ang order sa lunch treat sa amin ng mag-sisters na talaga namang super yummilicious at na-enjoy ko kasama ng grandson kong si Baby Yowen and his Mom Direk Joelin. Ang saya-saya ng bonding namin with the Reblando sisters kasama ang biyuti ring ka-batchmate at bestfriend ni Madam Erlinda, na si Madam Cora. Yes sa sobrang excitement namin ay nagkayakapan talaga kami ng longtime Amiga ko from New York City na si Ma’am Erlinda. At siyempre picture taking kami galore. And honest beautiful and appealing ang hulog ng langit si Ma’am Erlinda, na na-meet ko sa aking Vlog sa PPA ENTERTAINMENT NETWORK noong 2021 during pandemic. At hanggang ngayon ay parati pa ring nandiyan na tumutulong sa akin financially. LOVE YOU, and Thanks a million my Dearest good friend Ma’am Erlinda. Sa March 18 na ang balik ng Reblando sisters sa Manhattan, New York City.