Advertisers

Advertisers

DA: P350-P380 per kg MSRP sa baboy ipapatupad na sa Metro Manila

0 5

Advertisers

SIMULA sa Lunes, Marso 10, ipapatupad na ng Department of Agriculture (DA) ang maximum suggested retail price (MSRP) sa karneng baboy sa Metro Manila.

Naniniwala ang DA na makakatulong ang hakbang na ito para mapanatiling stable ang industriya, ayon kay Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel.

Aniya, hanggang sa kasalukuyan ay damang-dama pa rin ng industriya ang epekto ng African swine fever (ASF).



Sa ipapatupad na MSRP. ang presyo ng kada kilo ng kasim at pige ay hanggang P350. Samantalang P380 naman sa liempo at hanggang P300 kada kilo lamang ang maitatakdang pinakamataas na presyo ng mga negosyante sa mga nagtitinda sa pamilihan.