Advertisers

Advertisers

College of Saint Benilde wagi sa NCAA volleyball

0 7

Advertisers

WINALIS ng College of Saint Benilde ang Sebastian College-Recoletos, 25-20, 25-13, 25-21, Huwebes sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament sa Lyceum of the Philippines University gym.

Umiskor si Wielyn Estoque ng 15 points on 14 attacks at one ace upang pamunuan ang Lady Blazers sa kanilang ikatlong dikit na tagumpay.

Clydel Mae Catarig nagdagdag ng 12 points,Zamantha Nolasco may 11 points, kabilang ang anim na blocks, habang si Cristy Ondangan bumakas ng eight points, four on blocks, sa isang oras at 10 minutong aksyon.



Skipper Francis Mycah Go may seven points, kabilang ang two aces, habang libero Fiona Getigan nagtala ng 11 digs.

Katherine Santos nagtapos ng 12 points on 11 attacks at one block, habang si Christine Marasigan at Juna May Gonzales umiskor ng 10 at six points,ayon sa pagkakasunod para sa San Sebastian.

Sa men’s division, Sumandal ang CSB kina Rocky Roy Motol at Arnel Christian Aguilar para magwagi laban sa San Sebastian, 25-17, 25-23, 25-21.

Motol nagdeliver ng 16 points,kabilang ang 12 attacks,habang si Aguilar tumipa ng 13 points sa laban na tumagal ng isang oras at 11 minutong paluan.

Jacob Agassi Herrera nag-ambag ng 12 points, kabilang ang four blocks, at John Andriane Austero may 10 points, kabilang ang two blocks at two aces, para sa Blazers.



Team captain Kyle Angelo Villamor umiskor ng 13 points on 12 attacks at one block, tampok ang 10 receptions para sa Stags, na nalasap ang kanilang tatlong sunod-sunod na kabiguan.

Justine Santos bumakasng10 points, kabilang ang two aces, habang si Joshua Espenida nagdagdag ng seven points.