Advertisers
MAINIT na namang pinagtatalunan, pinagdedebatehan ang political dynasty. Marami kasing kandidato sa incoming election na isang miembro lang ng pamilya.
Pero kung tutuusin, ang salarin sa pagkakaroon ng political dynasty ay ang mga botante.
Oo! Ang mga botante ang may gawa ng political dynasty. Bakit? Aba’y alam na nilang mag-aanak, ibinoboto parin nila lahat!
Hindi makakapuwesto ang mag-aanak na kandidato kung ‘di iboboto ng nakararami sa atin na mga botante.
Kung talagang mahal natin ang pamilyang ito ng politiko, dapat isa lang ang ihalal sa kanila, hindi lahat silang tumatakbo. Period!
Halimbawa lamang itong Tulfo. May incumbent nang senador, Raffy. May tatlo pa siyang kapatid na kumakandidato, ang dalawa (Erwin at Ben) para senador, at ang isa (Wanda) party-list representative, pamangkin na reelectionist at misis ni Raffy na party-list representative rin.
Ang Villar. May incumbent nang senador (Mark), kumakandidato pang senador ang kapatid (Camille) at ang ina (Cynthia) kandidatong mayor.
Ang Cayetano. May incumbent nang senador (Alan), reelectionist senator senator din ang sister (Pia), tapos ang misis ni Alan kandidato rin sa lokal.
Ang Duterte, mula sa ama at lahat ng anak kandidato. Si Ex-President Rody takbong mayor, ang kanyang mga anak (Sara) Vice President, si Polong reelectionist congressman, si Baste takbong vice mayor ng ama, at ang mga apo kandidato rin.
Ilan lamang sila sa mga politiko na halos lahat ng miembro ng pamilya ay kumakandidato.
Hindi sila makakapuwesto kung hindi natin iboboto.
Oo! Ang marami sa atin (na mga botante) ang salarin sa pagkakaroon ng political dynasty. Kung gusto natin mabura ang pamilya ng kandidato o politiko, huwag na silang ihalal sa Mayo 12. Period!
Tandaan: Ang poltical dynasty ang pangunahing rason ng grabeng korapsyon. Kasi nga nagtatakipan nalang ang mga ‘yan eh. Halimbawa: Mag-asawang mayor at vice mayor at ang mga anak congressman, gobernador at bise gobernador. Walang lusot sa kanila ang public fund. Ito ang dahilan kung kaya’t halos walang development sa lugar na kontrol ng political dynasty.
Walang ibang makalulusaw sa political dynasty kundi tayong mga botante. Dahil hindi papasa sa kongreso ang anti-dynasty bill. Kasi nga majority ng mga mambabatas ay miembro ng political dynasty. Mismo!
Again, kung kontra ka sa political dynasty, isa lang ang botohan sa miembro ng pamilya na kumakandidato sa darating na halalan. Let’s do it, bayan!
***
Dapat patalsikin na si Senate President Chiz Escudero. Nawawalan ng bayag ang Senado dahil sa kanyang inutil na liderato. Hindi natin alam kung ano ang talagang rason ng taong ito kung bakit ayaw niya agad aksiyunan ang impeachment laban kay impeach Vice President Sara Duterte-Carpio.
Mismo mga constitutionalist at mga retired Supreme Court Justice na ang nagsasabi na trabaho ng Senado na aksiyunan ang impeachment na inakyat ng House of Represenatives noon pang Disyembre.
Justice delayed, justice denied!