Advertisers

Advertisers

SERBISYONG EDSA CAROUSEL AAKSIYUNAN NG AKSIYON DAPAT PARTYLIST

0 74

Advertisers

Nagkaisa ang iba’t ibang organisasyon at sektor sa pangunguna Ng Aksyon Dapat party list sa panawagan na pabilisin ang transpormasyon at ibang paraan upang maging madali, ligtas at komportable para sa mamamayang may kapansanan ang kanilang paggamit ng serbisyo ng EDSA bus carousel.

Ayon kay Ka Rommel “Bulagkaster” San Pascual, tagapagsalita ng Partnership for Inclusion Accessibility and Safety in EDSA o PIASE, hindi maayos ang sistema ng EDSA carousel para sa may kapansanan, senior citizens, mga buntis at mga magulang na may akay na bata.

Kaugnay nito nanawagan naman Ang Aksyon Dapat Party list sa pangunguna ni dating Dept of Agrarian Reform Sec. Hernani Braganza Ang kasalatan Ng pasilidad tulad Ng accessible ramps, elevators, toilet at angkop na waiting area nila.



Aniya, minadali ito noong pandemya nang walang konsultasyon sa karampatang sektor tulad ng ordinaryong mananakay.

Marami rin ang naapektuhang kompanya ng bus, sampu ng kanilang driver at kondoktor at iba pang mga tauhan ang nawalan ng hanapbuhay.

Bukod dyan, maraming mananakay o commuter ang lalong nahirapan sa putol-putol o paglipat-lipat ng biyahe at imbes na base fare ang kanilang binabayaran ay mas mahal ang bayad nila sa pamasahe.