Advertisers
Bago pa man sumakay sa kanyang float si Majority Floor Leader Senator Francis “Tol” Tolentino para sa kanyang motorcade sa lungsod ng Caloocan, umaga ng Huwebes, nagpaunlak na mainterview ito ng mga mamamahayag .
Ayon sa “Tol” ng bawat Pilipino, marami pa siyang magagawang tulong sa lungsod ng Caloocan bilang senador.na nagawa na niyang na-establish ang iba’t-ibang husgado, at nagpalakas din ng educational system para sa mga batang Kankaloo
Ayon pa sa Senador, hindi na maaalis ang kaunlaran ng lungsod dahil malapit aniya dito ang subway at progresibo ang pag- unlad dahil sa nagkakaisa ang pamumuan sa lokal na pamahalaan.
Sa kanyang reaksyon sa .
matinding pagkalat ng fake news, nalulungkot ito dahil siya mismo ay biktima ng pekeng balita at hinihiling na sana aniya ay matutukun na mamonitor ng Comelec, maging ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas o KBP.
Sa pagkakaroon naman ng mga bloggers ng prangkisa, ito aniya ay pag-aaralang mabuti, at mainam aniya na timbangin sa Freedom of the Press , pero huwag naman daw sanang abusuhin.
Kasama ni Sen.Tolentino si 1st district Congressman Oscar Malapitan na nag- ikot ( motorcade) sa ilang bahagi ng Caloocan South mula sa Caloocan City hall, patungong Maypajo, Dagat- Dagatan , Samson Road hanggang sa District Office ng mambabatas sa Barangay 154 sa Bagong Barrio , Caloocan City.(Beth Samson)