Advertisers

Advertisers

PULIS PROBINSYANO, TIKLO SA ‘DRUG BUY-BUST OPERATION’ SA PASAY

0 34

Advertisers

HINDI na nakapalag nang arestuhin ng mga operatiba DID-Southern Police District at Pasay City Police ang isang aktibong pulis ng Angeles City Police Station matapos ikasa ang grupo ang drug buy-bust operation sa isang sangay ng Jolibee sa lungsod ng Pasay, napag-alaman sa ulat kahapon.

Sa report na natanggap ni PCOL Samuel Pabonita, chief of police ng Pasay CPS, ang suspek ay nakilalang si PCpl MICHAEL MONES y BUYAN, 37 years old, married, active member ng PNP na nakatalaga sa PRO3 (ANGELES CITY POLICE STATION), native of Pangasinan, at nakatira sa Purok 4B, Brgy. Anunas, Angeles City.

Ayon sa imbestigasyon ni Cpl Leonar Ripalda, ang insidente ay naganap dakong alas-10:40 ng gabi, March 5,2025 sa Jollibee Blue Bay Walk, Roxas Boulevard, Brgy. 76, Pasay City.



Nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na ang suspek ay sangkot umano sa pagtutulak ng iligal na droga kung saan ay ibinibenta niya sa ilang parokyano nito sa kanilang probinsiya. Sa tulong ng police informer ay agad na ikinasa ang buy-buy operation sa nabanggit na lugar sa pamumuno ni PMaj Cecilio G Tomas Jr., na nagresulta sa pagkakaaresto kay Mones.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng suspek ang MOL 35 grams of suspected shabu, buy-bust money, one (1) black sling bag containing one (1) android phone, one (1) Oppo cellular phone, one (1) holster, one (1) Glock 17 bearing serial number PNP 04358 with inserted magazine containing fourteen (14) live ammunition, one (1) weighing scale, one (1) handcuff, one (1) black wallet containing two (2) pieces Php500.00 bill, nine (9) pieces Php100.00 bill, one (1) PNP ID, and one (1) UMID ID.

Tinatayang aabot sa halagang Php 238,000.00 illegal drugs ang nasabat kay Mones. Siya ay kinasuhan para sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) and BP 881 o Omnibus Election Code. (JOJO SADIWA)