Pres. Dr. Tria nagpasalamat sa totoo at ‘di matatawarang suporta nina Mayor Honey at VM Yul sa UdM
Advertisers
NAGPAHAYAG ng kanyang taos pusong pasasalamat si Universidad de Manila (UdM) President Dr. Felma Carlos-Tria kina Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo sa kanilang totoo at ‘di matatawarang suporta sa UdM kasunod ito ng kanyang pag-uulat na naging mabilis at walang anumang balakid ang distribusyon ng local government’s allowance para sa lahat ng mag-aaral ng nasabing pamantasan.
Sinabi ni Lacuna na ang allowances ay ipinamahagi on a ‘per college basis’ para matiyak ang kaayusan ng proseso pati na rin sa convenience ng mga estudyante.
“These payouts to students are regular occurrences. These allowances are the beneficiaries’ share of the taxes collected and revenues generated by the city,” saad ni Lacuna.
Idinagdag pa ng alkalde na hindi man kalakihan ang allowance, ito naman ay makakatulong bilang pandagdag sa mga gastusin ng mga mag-aaral sa city-run colleges.
Base sa ulat na ipinadala ni Tria, nabatid na ang pamamahagi ng student allowance distribution ay ginawa sa UdM noong March 4 ang 5, 2025.
“Day 1 classes were suspended but we still distributed the allowance. We deployed more staff to distribute the cash faster so the students won’t need to stay in school longer than necessary,” pahayag ni Tria at idinagdag din nito na ang mga ‘di nakakuha ng nasabing allowance ay maaari nila itong kunin sa Friday (March 7, 2025).
Ayon pa kay Tria,halos hundred percent ng student-beneficiaries na umaabot sa 10,492 ang kabuuang bilang ay nakatanggap na ng P2,000 bawat isa na kumakatawan sa P1,000 monthly allowance para sa mga buwan ng November at December.
Maliban sa UdM, sinabi ni Lacuna na ang 8,200 estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ay nabigyan din ng parehong halaga sa pamamagitan ng kanilang debit card accounts.
Ang allowances ng mga estudyante ng UdM ay na-released bilang personal payouts kaya naman sinabi ni Lacuna na ang kanyang administrasyon ay gagawin na ring debit cards ang accounts ng mga estudyante sa UdM “for security reasons and for financial inclusion purposes consistent with policies of the Bangko Sentral ng Pilipinas”
Ang probisyon sa buwanang allowances para sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral na 18,692 mula PLM at UdM ay bahagi ng social amelioration program (SAP) na ipinasa at iniakda nang si Lacuna ay Presiding Officer ng Manila City Council, Isang posisyon na kanyang hinawakan nang siya ang Vice Mayor noon. Tumatanggap din ng monthly financial assistance mula sa lungsod ang mga senior citizens, solo parents at persons with disability. (ANDI GARCIA)