Advertisers
WAG tayo sa puro salita, dun tayo sa mas masipag sa gawa.
Wag tayo sa maingay lamang, wag tayo sa pabida lamang at mayabang, pero walang pruweba.
Performance, achievements, ‘yan ang batayan sa pagpili, ‘yan ang sukatan ng kaalaman, kakayahan, talino at kilos na may kasamang pagmamahal.
Mga katangiang ito, taglay ni Yorme Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kaya kung deretsang tatanungin ang isang “waes” na botante ng Maynila, maaasahan, sasabihin niya si Isko ang dapat maging mayor ng siyudad.
Yung kilos niya — yung bilis-kilos niya ang nagsasalita para kay Yorme bakit dapat siyang ibalik sa Manila Cityhall.
Palibhasa’y anak ng estibador at labandera sa Tundo, maagang niyakap ni Yorme Isko ang kahirapan.
Kaya dama niya, nasa dugo at puso niya ang hirap sa pag-ahon sa dustang kalagayan ng anyang mga magulang at nilakihang kabataan.
‘Yung pagkaing ‘pagpag’ na nililinis ng kanyang inang Rosario saka muling niluluto para sa almusal, tanghalian at hapunan, ay biyaya sa batang si Isko.
Kaya nang lumaki, nagkaisip, umasenso at naging politiko, pagtulong sa tao, sa kapwa niya na paboritong pagkain ay “tira-tira” at “pagpag” ang buong kalinga siya sa pagtulong.
Kaya nang maging konsehal, bise-alkalde, maging USec ng DSWD, totoong tulong ang ibinibigay ni Isko sa kapwa niyang galing sa hirap na nagsusumikap.
Nais niya, lahat ng Manilenyo ay umangat, umasenso at makaahon sa hirap.
Ipinakita ni Yorme Isko noon na may gobyerno ang lungsod, na hindi lang ang maykaya at maimpluwensiya ang may kuwenta, kungdi lalo na ang mga walang kuwenta ay may halaga sa kanya.
Pruweba ng bilis-kilos na wala ang kanyang mga katunggali, ating ikuwento:
Isang araw, nagkasunog sa Baseco sa Tundo, naabo, natupok ang kalawanging yero at lumang lawanit ng mga bahay roon.
Agad, dumating ang tulong: pagkain, damit, gamot at iba pa.
Nanlumo si Yorme Isko sa dinatnan, paano na ang nasunugan, saan sisilong kapag umulan, at matindi ang init ng araw; magkakasakit ang mga bata, matatanda, lalo na ang mga sanggol.
Kailangan ang agad-agad na kilos, kaya sinabihan ni Yorme ang nasunugang iskwater:
“Nagulat ang mga tao nang sabihin kong ‘wag muna silang babalik sa lugar,” sabi ni Yorme.
Dun muna sila sa evacuation center, at nagbilin,wag nang balikan ang lugar pagkat iyon ay kanyang ipagigiba, ipaaayos.
At ang pangako na ikinagulat ng mga iskwater.
“Bigyan nyo ako ng anim na buwan…. bibigyan ko kayo ng bahay.”
Nangyari na kulang ang anim na buwan, may sariling bahay na maayos, tahanang pantao ang ibinigay ni Yorme Isko sa mga nasungan sa Baseco. (May karugtong)
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com