Advertisers

Advertisers

HAY NAKU CHIZ UMAYOS KA!

0 32

Advertisers

MALIWANAG sa inyong abang lingkod na malayo sa kapakanann g taumbayan ang kinikilingan ng Senado kumpara sa nagaganap ng Kamara. Batid ko na mas nakatunton sa kapakanan ng taumbayan ang ginagawa ng Kamara. Hindi na ako nagtataka. Hindi ginagawa ng Senado ang sinumpaang tungkulin, at si Chiz Escudero ang maliwanag na may kagagawan nito.

Imbes na tuligsahin ni Chiz ang isyu ng impeachment, kumbaga sa referee, sinasadyang ipagpaliban ang kaganapan para ibenta ang laro; una, para sadyang pahabain ang proseso, at pangalawa, para umani ng “pogi points” in-aid-of-reelection. Basang basa ka namin sa agenda mo Chiz. Hindi magkakaila na namamangka ka sa dalawang ilog sa pagiging doble-kara mo! Hindi ang kapakanan ng taumbayan kundi ang kapakanan ni Sara Duterte ang mas importante sa iyo!

Hay naku Chiz, umayos kayo dahil unti -unti na kaming nagsasawa sa litanya mo. Kailanman, walang idudulot na mabuti ang ginagawa niyo. Tanging si Riza Hontiveros lang ang matiyaga sa trabaho dahil ang iba? Sabihin na lang natin na mas inutil pa sila sa palamuning baboy. Tuloy paniwala ng maliit na peryodistang ito na mainam baguhin ang sistema ng goyerno natin sa sistemang parlyamentaryo. Masakit man ito para sa akin pero nangangailangan na.



***

PATULOY na naman na nagpapakalat ng huwad na balita at impormason ang pulahang tsina at mga kasapakat nito, na ang Palawan ay bahagi ng tsina! Dahil ito a bahagi ng isinasagawa nilang “assyymetrical warfare” upang makakamkam ng ating teritoryo! Minarapat kong ipaliwanag ang ilang katotohanan, upang maging maliwanag ang katotohanan.

Ang panganib na masusukol ng pulahang tsina ang probinsya ng Palawan kapag nanalo ang mga kandidato nilang maka-tsina ay nananatiling panganib na pinatotoo ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union noong Lunes sa mga Pilipino na manatiling mapagbantay sa darating na halalan at tingnan ang mga kandidato na sinusuportahan ng China dahil kung mananalo ang mga ito ay baka tuluyang mawala ang Palawan at makuha ng pulahang tsina.

“Sinimulan ng tsina sa West Philippine Sea. Ngayon, mismong Palawan na ang sinasabi nilang kanila! ani ni Ortega, kung may mga kandidatong may pondo mula sa China, anong interes ang kanilang poprotektahan? ‘Yung bayan natin o ‘yung nagpondo sa kanila?”

Binigyang-diin ni Ortega na ang pagboto sa mga kandidatong maka-China ay katumbas ng pagsuko ng pambansang interes sa dayuhang kapangyarihan. “Sinimulan ng China sa West Philippine Sea. Ngayon, mismong Palawan na ang sinasabi nilang kanila! Isipin natin: Kung may mga kandidatong may pondo mula sa China, anong interes ang kanilang poprotektahan?



‘Yung bayan natin o ‘yung nagpondo sa kanila?” ang matabil na tanong ni Ortega. Sa nakalipas, bumaha sa mga social media platform ng pulahang tsina ang mga video at post na umano’y iginigiit na pag-aari nila ang Palawan! IkKinalat ang kasinungalingan sa WeChat, Douyin, at Weibo sa mga video na ito. Gumagamit ng mapanlinlang na mga mapa at pekeng tala ng kasaysayan ang pulahang tsina upang ipakita na dating bahagi ng teritoryo ng China ang Palawan!

Ang ilan ay nagpapakita ng binagong mga larawan ng Palawan na may watawat ng pulahang tsina na, unti-unting nagpapaniwala sa mga tsino at Pinoy na hindi ito bahagi ng Pilipinas! Ang taktikang ito ay tulad ng mga dating disinformation campaign ng Pulahang tsina sa WPS, na ginamit upang bigyang-katwiran ang pagtatayo ng mga base militar sa mga artificial islands sa loob ng katubigang sakop ng Pilipinas.

Nagbabala ang mga analyst na layunin ng ganitong mga kwento na gawing karaniwan ang ideya ng soberanya ng peking sa Palawan, bilang paghahanda sa mga susunod na pag-angkin. Ibinunyag din ng mga pinanggagalingan ng mga intelligence sources, hindi lamang para sa mga peking ang ganitong impormason. Sinasadya rin itong ikinakalat sa digital spaces ng Pilipinas gamit ang mga proxy account at binayarang influencers ng pulahang tsina. Dati, sinasabi nila kanila ang Scarborough Shoal. Maya-maya, nagtayo sila ng base sa West Philippine Sea.

Ngayon, Palawan naman ang tina-target! Kung hindi tayo magiging mapanuri, baka magising na lang tayo may Chinese structures na diyan!” Maliwanag ang babala ni Paolo Ortega. Walang anumang batayang pangkasaysayan o legal, ang inaangking teritoryo ng China sa Palawan. Ang Palawan ay napakalaking probinsya na ma pinakamatandang lugar sa larangan ng arkeholohiya.

Ang yungib ng Tabon ay lugar kung saan matagal na nagsasaliksik ang mga dalubhasa. Ito ang pinakamahalagang sinaunang pook sa Asya na taglay ang mahigit 50,000 taon ng naniniraan dito. Ang mga labi at artifact na natuklasan sa Tabon Caves ay kabilang sa pinakaunang ebidensya ng sinaunang kabihasnan sa Pilipinas! Ayon sa mga daluhasa, ang mga labi na ito ay direktang ninuno ng mga Tagbanwa, isa sa pinakamatandang katutubong grupo sa ating bansa.

Napanatili ang kanilang natatanging kultura sa Palawan sa kabila ng pananakop. Sa katunayan, ayon kay Antonio Pigafetta, tagapagtala ng expedition ni Magellan, ang mga katutubo sa Palawan ay mga magsasaka at mangangalakal na walang kaugnayan sa teritoryo ng China!

May sarili silang pamahalaan at kabuhayan bago pa dumating ang mga dayuhang tsino. Mula noon hanggang ngayon, ang Palawan ay Pilipino. Walang bahagi ng kasaysayan natin na nagsasabing ito ay pag-aari ng tsina, at ang anumang kasinungalingang ikakalat nila para palitawin na kanila ito ay pagbaluktot sa katotohanan!

Babala ni Ortega, ang pag-angkin ng tsina sa Palawan ay bahagi ng mas malawak na plano upang palakasin ang impluwensya nito hindi lamang sa pamamagitan ng pwersa militar, kundi pati na rin sa larangan ng pulitika at ekonomiya. Sa nakalipas na dekada nagtayo ang Peking ng mga base militar sa West Philippine Sea, sa kabila ng international ruling na nagbasura sa kanilang mga pag-aangkin.

Ngayon, tila binabago ng China ang kanilang taktika sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga kandidatong magsusulong ng kanilang interes mula mismo sa loob ng gobyerno ng Pilipinas. Ang tanong: Paano nila nagagawang palakasin ng pulahang tsina ang impluwensya nila sa bansa natin? Maganda ang sagot ng atang mambaatas; hindi lang sa pamamagitan ng mga barko sa dagat, kundi sa pamamagitan ng eleksyon;Hindi na baril ang gamit, kundi pera, propaganda, at panlilinlang.

Maliwanag ang tukoy ng pulahang tsina. Lumabas sa mga imbestigasyon tungkol sa operasyon ng impluwensya ng Pulahang tsina, na aktibong ginagamit ng Beijing ang disinformation upang baguhin ang pananaw ng publiko. Natukoy ng mga digital analyst ang balak nahakbang ng mga grupong ugna sa pulahang tsina, upang manipulahin ang diskurso sa social media, siraan ang mga opisyal na kontra-tsino, at palakasin ang mga pahayag na pumapabor sa peking.

Ang mga taktikang ito ay may layuning baguhin ang opinyon ng mga botante upang manalo ang mga kandidatong maka-China at makontrol nila ang pamahalaan ng Pilipinas. Dapat nating tandaan: Hindi lang sa eleksyon nangyayari ito. Sa lahat ng bahaging ginagamitan ng disinpormasyon.

Binabaha na tayo ng pekeng balita, ng mapanlinlang na kwento para papaniwalain tayo na mabuting kaibigan ang Pulahang tsina. Manatili taong mapanuri, manatili tao mapagmatiag. Kasihan nawa tao ni Poong Kabunian. Mabuhay ang Republika ng Pilipinas!

***

mackov@gmail.com