Advertisers

Advertisers

Ex-cop wanted sa murder timbog

0 17

Advertisers

ARESTADO ang dating pulis na wanted sa kasong murder na 20 taon nagtatago Miyerkulas ng umaga, marso 5, 2025, sa San Fernando, Pampanga.

Nakilala ang suspek na si Nico Cruz Garcia, 49 anyos, dating pulis.

Sa pagtutulungan ng multiple law enforcemen unit, kabilang ang Station Intelligence Section at Warrant and Subpoena Unit sa pangunguna ni Colonel Jean I. Dela Torre, kasama ang Pampanga PPO, San Fernando CPS, Mexico MPS, Macabebe MPS, 1st and 2nd Provincial Mobile Force Companies, at SDIT RIU-NCR-IG, matagumpay na naaresto ang suspek Miyerkoles ng umaga sa Montana View, Barangay Panipuan, San Fernando.



Nagsimulang magtago ang suspek 2006.

Walang inirekomendang piyansa dahil sa mabigat na kaso laban dito.
(Gaynor Bonilla)