Advertisers

Advertisers

ESCUDERO, ‘DI NAGPAPATINAG SA ISANG MILYONG LAGDA PARA SIMULAN ANG IMPEACHMENT

0 7

Advertisers

NAGMATIGAS si Senate president Chiz Escudero na hindi siya makukumbinsi na lumabag sa batas kahit pa makakalap ng isang milyong lagda ang binuong grupo na People’s Impeachment Movement.

Inilunsad ngayong linggo ang People’s Impeachment Movement na binubuo ng religious groups, sectoral representatives at kaanak ng mga biktima ng extra judicial killings (EJK) at plano nilang makakalap ng isang milyong lagda para ipressure ang Senado na simulan na ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Giit ni Escudero, wala sa dami ng mga lagda ang makakapag-udyok sa kanya na lumabag sa batas para i-convene ang impeachment court sa gitna ng session break at hindi pagsunod sa mga kondisyon ng tamang proseso ng paglilitis.



Binigyang-diin ng Senate president na hindi dapat baluktutin ang batas at hindi sila dapat magpadikta sa nais ng iba dahil lamang sa mga pansariling interes at bias na madaliin ang impeachment proceedings laban kay Duterte.

Tulad sa mga naunang pahayag ni Escudero, nanindigan siya na susunod sa batas at rules para sa tiyak at wastong pagsasagawa ng impeachment trial sinuman ang magbebenepisyo o makikinabang dito.

Iginiit din ng Senate president na hindi niya dine-delay o binibinbin ang paglilitis at tiniyak na wala siyang papaburan at sisiguraduhin ang patas na proseso ng impeachment trial at pagbibigay ng nararapat na hustisya.

Subaybayan natin!

***



Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com