Advertisers
TULUY-tuloy ang pagbibigay ng impormasyon sa mga manonood ng Dok True Ba? dahil ngayong March 22, 2025 ay papasok na ito sa Season 3.
Sa isang kuwentuhan sa co-host-singer-endorser na si Jerome Sang, masayang inihayag niya ang nalalapit na pagpapatuloy ng kanilang informative-educational show ni Dr. Cel Martinez na tunay na kapaki-pakinabang hindi lang sa mga may sakit kundi sa lahat. Tinatalakay dito kung paano pangalagaan ang kalusugan ng isang tao
Sey nga ni Jerome, healthy chikahan tlaga ang nangyayari sa kanila kada episode kasama ang ilang guest doctors.
At ngayong Season 3 na sila, obvious na sinusuportahan sila at pinanonood ng tao dahil sa iba’t ibang paksa na tinatalakay nila na lahat ay may kaugnayan sa ating kalusugan.
Bukod sa Doc True Ba? tuwing Sabado ng alas-8 hanggang alas-9 ng umaga sa IBC 13, napapanood din si Jerome bilang host ng PCSO Lottery Draw maliban sa pagiging singer, event host at endorser.