Advertisers

Advertisers

DepEd nais ipatupad ang remote learning system at hindi class suspension sa tuwing matindi ang init ng panahon

0 12

Advertisers

PINAYUHAN ng Department of Education (DEPED) ang mga pampublikong paaralan sa bansa na apektado ng labis ng init ng panahon na magsagawa ng adjustment ng oras sa pagpasok o ipatupad ang remote learning system.

Ito ang magiging solusyon ng kagawaran imbes na mag-kansela ng pasok tuwing makakaranas ng init ng panahon.

Sa halip ay dapat sundin ng mga paaralan ang mandato ng mga local chief executives sa pagsuspendi ng klase.



Sinabi naman ni DepEd Secretary Sonny Angara, na kapag magpatupad ng pagsuspinde ng pasok ay lilipat sa alternative learning performance-based o magsasagawa na lamang ng make-up classes.

Inatasan na rin nito ang mga opisina at paaralan na ihanda ang paggamit ng self-learning modules at Dynamic Learning Program sakaling magpatupad ng alternative delivery mode o ADM.