Advertisers
PINANGATAWANAN ni Harry Roque ang pagiging pugante sa batas. Pinanindigan ng dating tagapagsalita ni Gongdi ng tuluyan ang mawala sa bansa upang makaiwas sa pananagutan sa batas. Nahaharap si Harry sa sakdal na qualified human trafficking, isang krimen na walang piyansa, dahil sa pagkakasangkot niya sa ilegal na operasyon ng mga POGO sa bansa.
Naunang nakita si Harry sa Dubai dahil kinanlong siya ng sugo ng bansa sa Dubai dahil kaklase niya ito umano noong hayskul. Nawala pansamantala at lumitaw si Harry sa Iran kung saan nanatili siya ng ilang araw doon. Ngunit hindi nagustuhan ni Harry ang lutong Persiyano at lumipad siya sa Macau, isang special region ng Tsina.
Naglaro sa mga kasino ng Macau si Harry at napabalitang natalo ng malaking halaga. Lumipad siya sa Japan kung saan nagtangka siyang lumipad patungo sa Estado Unidos. Ngunit mukhang may babala na sa International Police (Interpol) kaya hindi siya isinakay ng eroplanong patungo sa Estados Unidos. Muling nawala si Harry.
Mahilig sa lutong Intsik si Harry at maglaro sa kasino. Ito ang mga dahilan upang maniwala na muli siyang bumalik sa Hong Kong o Macau. Suportado siya ng gobyernong Intsik dahil balitang kampi siya sa Tsina sa sigalot ng bansa sa mga Tsino.
Hanggang kailan kakayanin ni Harry ang hamon ng buhay pugante? Walang makapagsabi. Patapon na ang buhay ni Harry. Walang ibang sisihin kundi ang kanyang sarili dahil sa labis na ambisyon. Hindi nagdadalawang isip si Harry na pasukin ang madilim na bukas basta kumita lang siya. Ibebenta ni Harry ang prinsipyo dahil sa kinang ng poder at salapi.
*
ISA si Kin. Jay Konghun ng Zambales sa mga maasahan na bagitong mambabatas na nagpapakitang gilas sa Kongreso. Isa sa kanyang adbokasiya ang pagsugpo sa korapsyon sa gobyerno. Ito ang sinabi niya nitong Huwebes.
VP Duterte’s removal necessary as Filipinos demand anti-corruption leadership- Khonghun
WITH seven out of ten Filipinos favoring anti-corruption candidates, House Assistant Majority Leader Jay Khonghun of Zambales on Thursday emphasized that removing Vice President Sara Duterte through impeachment is a necessary step toward restoring accountability in government.
Khonghun, chairman of the House Special Committee on Bases Conversion, said the latest Social Weather Stations (SWS) survey findings reflect the people’s growing frustration over corruption in public office and their demand for decisive action against those who betray public trust. “Malinaw ang mensahe ng taumbayan: sawa na sila sa katiwalian. Kung pito sa bawat sampung Pilipino ay nagsasabing mahalaga sa kanila ang paglaban sa korapsyon, tungkulin nating ipakita na seryoso tayo sa pagpapanagot sa mga nag-abuso sa pondo ng bayan,” aniya.
The survey, commissioned by the Stratbase Group and conducted from February 15 to 19, showed that 70% of Filipinos would vote for candidates who actively champion anti-corruption efforts, underscoring how integrity and good governance remain key election issues.
Khonghun pointed out that corruption not only exacerbates poverty but also breeds distrust in government institutions, further alienating the public from their leaders. “Ang katiwalian ay hindi lang sa pagnanakaw ng pera mula sa kaban ng bayan, kundi pati na rin ang kawalan ng tiwala ng taumbayan sa gobyerno. Kung hindi natin papanagutin ang may sala, paano natin masisigurado na ang ating mga institusyon ay para talaga sa tao at hindi para sa iilan?” aniya.
He warned that failing to hold high-ranking officials accountable will only embolden others to engage in corrupt practices, making it even harder to push for genuine reforms. “Kung hindi natin ito tutugunan ngayon, kailan pa? Hindi natin pwedeng ipagpaliban ang laban sa katiwalian dahil sa politika. Kailangang manaig ang batas at kailangang may managot,” aniya.
Khonghun urged Filipinos to be vigilant as the 2025 elections approach, reminding them that the fight against corruption begins with their votes. “Kung gusto nating tunay na pagbabago, dapat tayong magkaisa para panagutin ang may sala at piliin ang mga kandidatong tunay na magseserbisyo nang tapat,” he said.
***
MAY sinabi rin maganda si Kin Paolo Ortega V ng La Union. Isa rin siya sa mga bagitong mambabatas na nagpapakitang gilas sa Kongreso. Pakibasa:
Korupsyon pagsasamantala sa mga Pinoy; VP Duterte dapat mapatalsik sa pwesto – Ortega
Matapos lumabas ang resulta ng survey na nagsasabing pito sa bawat 10 Pilipino ang pabor sa mga kandidatong lumalaban sa korapsyon, iginiit ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union ang kahalagahan ng impeachment na paraa upang maalis sa puwesto si Sara Duterte bunsod ng kanyang mga ginawa.
Ayon kay Ortega, ang korapsyon ay hindi lamang usaping pampulitika kundi isang direktang pagsasamantala sa mga Pilipino, dahil ipinagkakait ng gawaing ito ang mga serbisyong dapat ay para sa kanila. “Every peso lost to corruption is a peso stolen from public service. It means fewer hospitals, fewer classrooms and fewer opportunities for the people who need them the most. The fight against corruption is a fight for the future of our nation,” saad ni Ortega.
Ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Pebrero 15-19 at pinondohan ng Stratbase Group, 70% ng mga Pilipino ang mas pinapaboran ang mga lider na lumalaban sa korapsyon, na nagpapakita ng kahalagahan ng integridad at pananagutan sa darating na halalan. Iginiit ni Ortega na ang impeachment ni Duterte ay susubok sa dedikasyon ng gobyerno sa transparency at mabuting pamamahala, lalo na sa gitna ng mga alegasyon tungkol sa paggamit niya ng confidential funds.
“We cannot allow corruption to continue unchecked. If we turn a blind eye now, we are essentially telling Filipinos that integrity does not matter in leadership. And that is a dangerous precedent to set,” ani Ortega. Pinuna rin niya ang pagkaantala ng Senado sa impeachment trial, na aniya’y nagpapalakas ng hinala tungkol sa pamumulitika at doble-standard sa paghahatid ng hustisya.
“Justice delayed is justice denied. Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, maraming dahilan. The Senate must show its commitment to due process and the rule of law by allowing the impeachment trial to proceed without delay,” dagdag pa ni Ortega aid. Habang papalapit ang halalan sa 2025, hinimok ni Ortega ang mga botante na maging aktibo sa paglaban sa korapsyon sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga tiwali at abusadong lider sa puwesto.
“The people have the power to put an end to corruption. Their votes can remove those who abuse public trust. This is the time to demand real accountability,” ayon pa kay Ortega
***
Email:bootsfra@yahoo.com