Advertisers
MABILIS na trinabaho ng De La Salle-College of Saint Benilde ang San Sebastian College-Recoletos sa kanilang men’s at women’s games sa NCAA Season 100 volleyball tournament sa Lyceum of the Philippines University gym sa Manila.
Ang dalawang Benilde teams ay nag improved sa 3-0 start sa paligsahan.
Winalis ng Lady Blazers ang Lady Stags para makumpleto ang 25-20, 25-13, 25-21 wagi sa laban na tumagal lang ng isang oras at 10 minuto.
Nagpamalas si Wielyn Estoque ng 15 attacks tampok ang 14 attacks at ace, kabilang ang anim na digs,habang si Clydel Catarig at Zam Nolasco may 12 at 11 points, ayon sa pagkakasunod.
Kath Santos pinamunuan ang opensa ng Lady Stags sa iniskor na 12 points,habang si Tina Marasigan nagdagdag ng 10 points para sa San Sebastian na nalasap ang kanilang unang kabiguan.
Dati, Dinomina ng Blazers ang Stags, 25-17, 25-23, 25-21, sa laban na tumagal ng isang oras at 11 minuto.
Muling pinamunuan ni Rocky Roy Motol ang Taft-based squad sa iniskor na 16 points,Arnel Christian Aguilar nagdagdag ng 13 points.
Kyle Villamor may 13 points, habang si Justine Santos may 10 points para sa Stags na nanateling winless sa three games.