Advertisers
TATLO ang kumpirmadong patay habang 3 ang sugatan sa sunog ng residential area sa Concepcion-Uno Marikina City.
Sa ulat ni SSO2 Balbuena, kinilala ang mga nasawi na sina Rodolfo J. Jamisola, 59 anyos, Abgelica Jarlego 23 anyos at si Annaleah M. Jarlego, 18 anyos.
Ang mga biktima ay natagpuan umanong sama-sama sa isang kwarto sa nasunog na bahay.
Samantala ang tatlong sugatan ay kinilalang si Ronel jam Jarlego, 29 anyos, Stacy Ane Jarlego, 6 anyos at si Sid Andrei Jarlego nagtamo ng konting sunog sa katawan.
Nagsimula ang sunog sa isang bahay sa E. Santos Street bandang 8:04 ng umaga, ayon sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire-Metro Manila.
Tumagal ng mahigit isang oras ang sunog na itinaas sa unang alarma bago ito idineklarang fire out bandang 9:44 ng umaga. (EDWIN MORENO)