Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
TRENDING ang programang It’s Showtime kamakailan dahil sa pagpapa-quiz bee ng mga hosts sa pangunguna ni Vice Ganda sa kanilang audience.
Namigay sila ng 2,000 pesos sa mga sumagot ng tama. Ito ay para ma-refresh ang madlang people tungkol sa kasaysayan at sa Noli Me Tangere.
Ginawa nila ito matapos ang Comelec issue sa segment na “Sexy Babe 2025.”
Matatandaang isang contestant ang tinanong kung ano ang mensahe niya sa Comelec at ang sinagot nito ay ” sorry po hindi ako masyadong knowledgeable sa Comelec.
Halata ang pagkadismaya sa mukha ni Vice at naglitanya ng ‘Oh My God thats bothersome.’
Nang ipaliwanag naman ng mga host sa contestant ang kahalagahan ng Comelec ay saka lamang niya ito naintindihan at nagbigay naman ng sagot.
Ang kaso, nag-viral na nga ang naturang contestant at nagkaroon ng iba’t ibang reaksyon ang netizen kung paano raw na hindi niya alam ang Comelec gayung madalas itong mabanggit ngayon lalo’t malapit na naman ang eleksyon.
Sa episode din ng It’s Showtime ay nagbigay ng pahayag si Vice tungkol sa nag-viral na isyu.
Saad niya: “Dun sa buong segment na yun, mula nung nagsimula at nung natapos siya, dalawang bagay ang na-realize ko.
“Napakarami talagang magagandang nilalang sa Pilipinas. At ‘yung pangalawa, may systemic and educational problem sa Pilipinas.”
***
KAYA pala matagal nawala noon sa sirkulasyon si Eugene Domingo ay dahil nawalan na pala ito ng interes sa showbiz.
Ibinahagi ito ng komeydana nang i-guest niya ang kaibigang si Vice Ganda sa kanyang YouTube channel.
Dito ay pinasalamatan niya ang unkabogable star dahil aniya, naging instrumento ito sa newfound spark sa entertainment na nakita niya sa pamamagitan ng pelikulang pinagsamahan nila, ang “And The Breadwinner Is.”
Lumayo raw si Eugene sa paggawa ng pelikula. Itinuon niya ang atensyon sa pag-aalaga sa sarili.
Nag-aral at sinubukang humanap ng ibang buhay out of showbiz. Napayaman naman daw nito ang sarili.
“I think for a while I was lost. Saan na kaya? Ano na kaya ang gagawin ko?’
Ito raw ang mga naging tanong niya.
Wala rin naman daw siyang masyadong offer sa TV. Hindi rin siya tumatanggap ng pelikula dahil walang offer na gusto niya.
Hanggang sa dumating nga raw ang alok na pelikula kasama si Vice.
At heto na nga matapos ang success ng And The Breadwinner is, kasama si Eugene na isa sa mga hurado ng Pilipinas Got Talent.