Advertisers
MAGPAPASA na ang tanggapan ni Senador Koko Pimentel ng panukalang impeachment rules upang mapabilis ang proseso ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ani Senador Pimentel, may constitutional duty ang mga senador na dapat unahing gampanan kaysa sa ibang bagay.
Bagama’t tatakbo sa pagkakongresista, sinabi ng Senador, na mas prayoridad niya na gampanan ang tungkulin na nasa konstitusyon pagdating sa impeachment process.
Una nang inihayag ni Senate Rules Committee Chairman, Senate Majority Leader Francis Tolentino na kung nagmamadali si Senador Pimentel ay pangunahan na at simulan ang pag-draft ng impeachment rules.