Advertisers

Advertisers

Pondo ng Marikina sa Philhealth ginamit sa biyahe sa Vietnam

0 3,312

Advertisers

ARUY!!! Natuklsan ng Commission on Audit (COA) na ginamit ni Mayor Marcy Teodoro ang pondo ng Philhealth pang-abroad, sa Vietnam.

Ang mag-asawang Marcy at Maa Teodoro habang nasa Vietnam

Dahil dito ay lalong lumakas ang kaso sa Ombudsman ni Mayor Marcy na ‘technical malversation’.



Natuklasan din ng COA na kasama sa abroad trip na ito sa Vietnam si Congw. Maan Teodoro, mga konsehal at iba pang opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina. Umabot sa milyon milyong pondo ng Philhealth ang ginastos para sa abroad trip na ito sa Vietnam. Tsk tsk tsk…

Ayon sa Universal Health Care Law, ang mga pondo galing sa Philhealth ay dapat lamang ilaan sa mga programang pangkalusugan. Mismo!

Dagdag pa sa ulat ng COA, na sumuri sa mga transaksyong pinansyal mula 2023 hanggang unang bahagi ng 2024, nabigo ang Marikina na magtatag ng Special Health Fund (SHF) alinsunod sa Republic Act No. 11223 o Universal Health Care (UHC) Law. Lahat ng LGU ay kinakailangan bumuo ng SHF para sa maayos na pamamahala ng pondong pangkalusugan. Sa kasamaang palad, hindi pa tuluyang nabubuo ng City Government of Marikina ang SHF ng lungsod.

Dahil walang SHF, ang pondong nakukuha mula sa national government, gaya ng PhilHealth reimbursements, ay iniipon ng City Government sa Trust Fund – Health Care Institution (TF-HCI) Fund.

Natuklasan ng COA na may kabuuang P45.62 milyon na pondong galing sa PhilHealth claims at reimbursements ang ginamit ng City Government sa hindi nakatakdang paggagamitan nito.



Noong Setyembre 6, 2023, ipinasa ng Sanggunian ang ordinansang naglalaan ng pondo mula sa PhilHealth reimbursements para sa mga kagamitang hindi pangkalusugan. Pinirmahan ito ni Mayor Marcy Teodoro Setyembre 8, 2023. Sa kabila ng pagiging trust fund, ginamit ng City Government of Marikina ang P94.7 milyon mula sa TF-HCI para sa “Other Supplies and Material Expenses” para sa taon 2024. Iginiit ng COA na hindi ito maaaring gamitin sa ibang layunin.

Bukod dito, natuklasan din ang maling paggamit ng pondo para sa pagbili ng pagkain at inumin, IT equipment (P8 milyon), pagkukumpuni ng imprastraktura (P25 milyon), hindi tiyak na donasyon (P6 milyon), at iba pang gastusin (P91 milyon). Kabilang dito ang isang cash advance para sa biyahe ng mga opisyal ng lungsod sa Ho Chi Minh City, Vietnam noong Setyembre 2023, kungsaan kasama si Teodoro pati ang kaniyang misis, si Maan. Wala umanong ebidensyang nagpapatunay na ang biyahe ay para sa mga programang pangkalusugan.

Ayon sa COA, hindi masinop ang pagmo-monitor at pag-record ng City Government sa paggamit ng TF-HCI Fund. Ang pondo na dapat nakalaan sa programang pangkalusugan ay ginamit sa mga proyekto at gastusing wala sa Annual Investment Plan ng lungsod.

Hinikayat ng COA ang pamahalaang lungsod na sumunod sa UHC Law at tiyakin na ang lahat ng pondong pangkalusugan ay nagagamit nang tama para sa kapakanan ng mamamayan ng Marikina.