Advertisers
KUNG si Rene Sarmiento ang tatanungin, nilabag ni Tsis ang Saligang Batas dahil sa patuloy na pagkabalam sa impeachment trial ni Misfit Sara. Hindi ordinaryong manananggol si Rene Sarmiento kung ihahambing sa mga mambabatas. Isa siya sa 49-katao komisyon na bumalangkas sa Saligang Batas ng 1987.
Malaki ang papel na ginampanan ni Sarmiento sa pagpanday ng saligang batas na pumalit sa Konstitusyon ng 1973 na ginamit ni Ferdinand Marcos Sr. bilang blueprint ng diktadura na tumagal ng 13 taon. Ang Konstitusyon ng 1987 ang naging batayan sa panunumbalik ng demokrasya mula sa diktadura.
Ayon kay Sarmiento, hindi makatwiran ang pagbalam sa pagbuo sa Senado bilang impeachment court na lilitis kay Misfit Sara sa isinampang reklamo ng Camara de Representante. Ipinaalaala ni Sarmiento kay Tsis ang kahulugan ng salitang “forthwith” sa probisyon ng Saligang Batas: mag-umpisa agad ang paglilitis kay Misfit Sara.
Ani Sarmiento: nilabag ni Tsis ang Saligang Batas nang antalahin niya ng anim na buwan ang pagbuo sa Senado bilang hukuman na lilitis kay Misfit Sara. Hindi ito makatwiran, aniya, dahil marapat nababatay ang lahat ng tuntunin, batas, at polisiya sa Saligang Batas. Ipinamukha niya kay Tsis ang doktrina ng pangingibabaw ng Saligang Batas (constitutional supremacy) sa mga gawain ng Kongreso.
Mawawala ang “kamandag” ng batas upang sansalain ang mga katiwalian sa gobyerno, aniya. Bakit hindi sa ika-15 ng Marso o Abril? Tanong ni Sarmiento. Bakit kailangan maghintay sa ika-30 ng Hulyo upang magsimula ang paglilitis?
Isinumite ng Camara ang impeachment complaint noong ika-5 ng Pebrero, ngunit patuloy si Tsis at ilang senador na kaalyado ni Misfit Sara na ipagpaliban ang paglilitis laban sa pangalawang pangulo na nahaharap sa sakdal na paglabag ng Saligang Batas.
Nagdeklarang “adjourned” ang sesyon ng Senado isang oras pagkatapos matanggap ang Articles of Impeachment mula sa Camara. Ginawa ni Tsis ang pagpapaliban kahit may dalawang araw pa ng sesyon sa kalendaryo ng Senado. Ayon kay Tsis, hindi maaaring litisin ng Senado si Misfit Sara dahi naka-recess ang Senado.
“Dapat walang delay” sa impeachment trial, ani Sarmiento dahil ito ang inutos ng Saligang Batas. Ipinaalaala ni Sarmiento kay Tsis ang pananagutan ng isang mambabatas sa gobyerno. “Mahalagang maunawaan niya na isang public office is a public trust.” Hindi siya dapat mag-atubili na sundin ang utos ng Saligang Batas. “Ituloy agad ang salita ng batas,” aniya.
Sang-ayon kami sa pananaw ni Sarmiento. Imbes na lutasin ni Tsis ang problem sa gobyerno, siya pa ang nagbigay ng panibagong suliranin. Hindi kalabisan na sabin na si Tsis ang kasalukuyang problema.
***
MATAGUMPAY na inilunsad ang aking pangalawang aklat, “BUMPS Fifty Years of Dictatorship and Democracy in the Philippines (1972-2022)” noong Sabado sa Sangkalan Restobar sa West Avenue sa Quezon City. Maraming piling kaibigan ang dumalo sa pagtitipon na tumagal ng dalawang oras. Bumili sila ng sipi ng aking mga aklat, kasama ang una – “KILL KILL KILL Extrajudicial Killings in the Philippines; Crimes Against Humanity v. Rodrigo Duterte Et. Al.”
Inilarawan namin sa pangalawang aklat ang tunggalian ng dalawang pangunahing tema sa kasaysayan ng pulitika ng Filipinas: awtoryanismo at demokrasya. Patuloy ang tunggalian ng dalawang tema sa pag-inog ng kasaysayan. Ito ang sagot ko sa patuloy na pagkalat ng mga fake news na nagbibigay ng maling impormasyon hinggil sa kasaysayan ng bansa.
May mga kopya na maaaring mabili sa Popular Bookstore sa Tomas Morato Ave. kanto ng Timog Ave. sa Quezon City. Maaari rin magsumite ng order sa aking anak na si Patricia sac p no. 09167 236 3051.
***
HINDI namin kilala personal si Deputy Speaker Jay Jay Suares ng Quezon, sa totoo lang. Pero may saysay ang kanyang mga pahayag. Pakibasa:
Deputy Speaker Suarez slams ‘budol’ fake news on soldiers’ allowance
DEPUTY Speaker David “Jay-jay” Suarez of Quezon joined the Armed Forces of the Philippines (AFP) in condemning false claims that the government rejected an increase in soldiers’ daily subsistence allowance, calling it a blatant deception meant to mislead troops and the public.
Suarez said PresidentBBM and Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez remain committed to fighting fake news and ensuring full support for Filipino soldiers. “We won’t let lies undermine our soldiers. The funding is secured, the commitment is strong, and they will get what they deserve,” Suarez said, recalling that it was Speaker Romualdez, following the President’s instruction, who pushed for the inclusion of increased daily subsistence allowance for soldiers from P150 to P350 or P10,500 monthly in this year’s national budget.
Suarez warned that those spreading disinformation are endangering the welfare of uniformed personnel. “This is a budol, a big lie! These false claims deceive our soldiers and undermine their trust in the government. But the truth is clear—this increase is funded, secured, and guaranteed under the 2025 budget,” Suarez said.
The AFP refuted the misleading claims, confirming that the P350 increase is in the 2025 General Appropriations Act (GAA) and will be implemented as planned. The military urged soldiers and the public to rely only on official announcements, warning that disinformation causes confusion and undermines morale within the ranks. It also reaffirmed its commitment to supporting the well-being of uniformed personnel and ensuring they receive their rightful benefits.
Suarez called out the deliberate spread of falsehoods, saying it disrespects the sacrifices of the country’s troops. “Enough of this budol! Our soldiers risk their lives every day. They deserve respect, not lies meant to confuse and demoralize them,” Suarez said.