Advertisers

Advertisers

‘NABAHAG ANG BUNTOT’

0 4,597

Advertisers

MATAPOS ang mainitang pagtatalo sa loob mismo ng ‘Oval Office’ noon Pebrero 28, kung saan “nagmatigas” si Ukraine President Zelensky sa harap ni US President Donald Trump na AYAW niya ng ‘peacetalk’ sa Russia at HINDI siya papayag sa alok na ‘mining agreement’ ni Trump, nagbago na ang ‘ihip ng hangin,’ mga kabayan.

Kahapon, nabasa natin sa ‘X’ (dating Twitter) na pumayag na si Zelensky sa lahat ng kondisyones na inilatag ni Trump!

Hmm. Hindi kaya bumaba na ang “amats” nitong si Zelensky sa kasisighot ng ‘Cocaine,’ “nahimasmasan” na at naisip na hindi siya puwedeng “magmatigas” kay Trump, kumpara sa kanyang pagiging ‘spoiled brat’ noong termino ni Joe Biden?



Matapos “sabunin” ni Trump at VP JD Vance sa Oval Office, dumiretso si Zelensky sa London kung saan agad siyang nakakuha ng suporta sa EU/NATO sa panguguna ni PM Keir Starmer ng UK at President Macron ng France.

Ang “problema” dito, aminado ang EU/NATO na wala rin talaga silang magagawa kung hindi sila susuportahan ni Uncle Sam, aguy!

Kumbaga, pulos ‘optics’ at ‘press release ‘ lang ang kaya nilang gawin para ipakitang “sarado” ang suporta nila sa Ukraine para labanan ang Russia pero ang totoo, wala itong “sustansiya” kung walang suporta ang Amerika.

Dito natin makikita, mga kabayan, ang “problema” ng mga “tuta” na nagpoposturang sila ay “malaya” at “nagsasariling” bansa, na “kaya” nilang kumilos mag-isa at hindi nila kailangan ang tulong ng amo nilang Amerikano.

Pero, kuwidaw, nagpakita lang ng “pagkayamot” si Trump, para silang mga asong ang lakas kumahol, pero nang magsalita na ang kanilang amo, lahat nabahag ang buntot, hehehe!