Mayor Honey, nagtalaga ng bagong OIC ng Office of Muslim Affairs sa Maynila
Advertisers
BILANG pagbibigay halaga sa kanyang pakikiisa sa Muslim community members sa Maynila sa kanilang paggunita sa Ban na Buwan ng Ramadan, inianunsyo ni Mayor Honey Lacuna na si Moh’d Yamen Datu Zacaria ang opisyal na itinalagang Officer-In-Charge ng Office of Muslim Affairs ng lungsod kasabay ng kanyang pagbibigay babala sa publiko na ‘wag magpabiktima sa mga dating konektado na ginagamit ito sa pagso-solicit.
“This is to inform the public that Manila Muslim Affairs Office is now headed by Moh’d Yamen Datu Zacaria. With this, all transactions with the previous officer-in-charge after June 30, 2024 is NOT CONNECTED with the city government of Manila.
Furthermore, the “Office of the Mayor- Manila Muslim Affairs” Facebook page is NOT AN AUTHORIZED ACCOUNT representing the office,” ito ang pahayag ni Lacuna sa kanyang public advisory.
Tiniyak din ng alkalde sa mga Muslim community members sa Maynila na sa pamamagitan ni Zacaria, ang kanyang administrasyon ay magiging bukas lagi sa lahat ng mungkahi at panukala kung paano maging welcoming and open capital city sa mga peace-loving na mga residente at bisita ng pananampalatayang Islam.
Sinabi ni Zacaria na siya ay naatasan na makipagtulungan sa mga local Muslim leaders kung paano mas lalong mapagbubuti ang selebrasyon ng Eid’l Fitr at Eid’l Adha, gayundin ang ilan pang mahahalagang okasyon ng mga Muslim sa lungsod.
“In this regard, I would like to clarify that the previous Muslim Affairs OIC has not been connected with the City of Manila since June 30, 2024. Any transactions made with her after her contract was not renewed are not in any way connected with the city government. We also advise the public to beware of unauthorized Facebook pages claiming to represent the Office of Muslim Affairs,” pahayag ng alkalde.
Idinagdag pa ni Lacuna na: “Moving forward, we will continue to consult with the local Muslim community on how to better serve their needs. Through our district congressmen, we are keen on eventually having more Shariah courts in Manila.”
Tiniyak din ng alkalde na ang pamahalaang lungsod ay layuning palawigin ang availability ng mga halal products sa Maynila upang makasapat sa tumataas na pangangailangan ng halal food sa Metro Manila.
“This initiative will not only serve our Muslim residents and visitors but also create more job opportunities for Filipino Muslims,” saad ng alkalde. (ANDI GARCIA)