Advertisers

Advertisers

Ex-convict Rolito Go, nagwala sa condo sa QC

0 104

Advertisers

Muling lumutang ang pangalan ng ex-convict na si Rolito Go nang magwala sa isang condominium building sa Cubao, Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7, galit na galit at pinagsisigawan ni Go ang dalawang opisyal ng Home Owners Association ng Portovita Condominium building noong Pebrero 14.

Ayon sa ulat, nag-ugat ang insidente nang hindi pumabor sa kagustuhan ni Go ang resulta ng Home Owners Association Election na ginanap noong nakalipas na Pebrero 9 hanggang 12.

Kabilang sa mga dumulog sa pulisya, ang mga bagong HOA Officers ng Portovita Condominium, kabilang na ang presidente nito na si Lamberto Beltran Dela Cruz Jr. at ang board of trustees, ang 67-anyos na si Regina Ty Montes.

Ayon kay Montes, sumugod si Go sa opisina ng HOA dahil sa pinawawalang bisa raw nito ang nangyaring Election of Officers.

Ang anak ni Go na si Russel Go ay napag-alaman na dating nakaupo bilang bise presidente ng HOA na napalitan sa nabanggit na Election of Officers.

Sabi ni HOA President Dela Cruz, bagama’t hindi nila nakita mismo pero hinala nila ay armado ng baril si Go dahil nang ibagsak nito sa isang mesa ang kanyang dalang clutch bag ay dinig ng lahat ang tumunog na bakal.

Sa gitna ng pagwawala, pinagbantaan umano ni Go na ilalabas niya sa opisina ng HOA ang pagmumukha ng bagong halal na opisyal ng asosasyon.

Matatandaang nakulong si Rolito Go ng 25-taon dahil sa road rage incident na ikinamatay ng De La Salle University student na si Eldon Maguan na kanyang binaril sa ulo sa San Juan City noong 1991.