Advertisers

Advertisers

Bumagsak na FA-50 fighter Jet natagpaun: 2 piloto patay

0 69

Advertisers

Natagpuan na ang nawawalang FA-50 fighter Jet kabilang ang dalawang ploto na nasawi ng mga search and rescue team sa Mt. Kalatunga sa Bukidnon, ayon sa Philippine Air Force (PAF).

Ayon kay Col. Consuelo Castillo, natagpuan ang 2 pilito sa bumagsak na FA-50 figther Jet ng mga search and rescue team mula ng “special forces’ ng Philippine Army sa mapuno at masukal na bahagi ng Mt. Kalatunga sa Bukidnon.

Pangsamantala naman tumanggi si Castilo na tukuyin ang pangalanan at ranggo ng dalawang piloto habang ipinababatid ang insidente sa kanilang pamilya.



“A full-scale search and rescue operation, initiated on March 4, 2025, involved the PAF, Philippine Army, and local civilian volunteers in the mountainous terrain of Bukidnon,” pahayag ni Castillo.

Tiniyak naman ni Castillo na mayroon kakayahan ang FA-50 Fighter Aircraft na magsagawa ng “night operation at “ highly skilled, very well trained ang 2 pilot nito para magkapagsagawa ng day and night operation.

Sinabi ni Castillo na wala umano natanggap distress call mula sa mga piloto ng mawalang ng komuniskayon ang Jet Fighter bago pa man ito makarating sa target area sa kaugnay ng isinagawang “tactical nigh operation”

Isinaad rin ni Cartillo na pangsamatala isinaillaim sa “grounded’ ang lahat ng 11 FA-50 habang isinagawa ang masusising imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng nasabing fighter Jet.

Kaugnay nito, kinumpirma naman ni Col. FRancel Margaret Padilla, Armed Force of the Philippine spokesperson na nagasagawa ang FA-50 ng air support sa tropa ng 403th Infantry Battalion napapalaban sa mga mga miyembro ng New People Army (NPA) sa Cabanglasan, Bukidnon.



Sinabi ni Padilla na mandato ng PAF na magbigay ng Air Support sa mga tropa na napapalaban sa mga rebelde.(Mark Obleada)