Advertisers
Nasawi nang malunod at natagpuang nakalutang sa gilid ng ilog ang isang guro ng Emilio Aguinaldo College (EAC) sa Dasmarinas City, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Julian Dante, 42, may-asawa, teacher ng EAC na kasalukuyang residente ng Brgy. San Lorenzo Ruiz, ng nasabing lungsod.
Batay sa salaysay ng asawa, huli nitong nakita ang biktima na naglalakad sa gilid ng kalsada malapit sa ilog sa Barangay Emmanuel Bergado 2, ng naturang lugar subalit simula noon ay hindi na ito nakauwi ng bahay.
Napag-alaman na 6:30 ng umaga noong Linggi nang nakita ng ilang residente sa lugar ang bangkay nito na nakalutang sa ilog.
Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung pagkakalunod nga ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.