Advertisers
PUNTIRYA ng University of Santo Tomas ang kanilang fourth straight win kapag nakaharap ang University of the Philippines sa UAAP Season 87 women’s volleyball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City ngayong Miyerkules Marso 5.
Kasunod ng kanilang four-set triumph laban sa Shaina Nitura-led Adamson, Pakay ng Golden Tigresses na ipagpatuloy ang kanilang pamamayagpag kontra Fighting Maroons alas 5 ng hapon.
Mag-umpisa ang women’s double-header alas 11 ng tanghali sa pagitan ng University of the East at Far Eastern University.
Angge Poyos, isa sa key players ng UST ay nagpahayag ng kanyang excitement na mag performe laban sa UP matapos ma sidelined sa nakaraang season’s second round.
“Excited na ako na makatapat sila, for sure marami na silang mga bagong players and sana [maging] maganda ‘yong laban,” Wika ni Poyos.
“Nakita naman natin sila na hindi na sila basta-basta, so syempre paghahandaan namin, tyatyagain namin and excited din kami na may matutunan sa kanila,” dagdag ni UST libero at skipper Detdet Pepito.
Inaasahan si Poyos na pamumunuan ang scoring para sa Kungfu Reyes-mentored crew katabi si Regina Jurado, Marga Altea, Mabeth Hilonggo, Pia Abbu, Bianca Plaza at top-notch setter Cassie Carballo.
UP, na natalo sa De La Salle University at Ateneo, ay sasandal kay Irah Jaboneta, Joan Monares, Nina Ytang, at Kianne Dolango.
Samantala, sa men’s division, susubukan ng FEU na dugtungan ang kanilang unbeaten streak sa lima kontra winless UE kapag nagkasagupa alas 11 ng tanghali,habang ang UST ay pakay ang kanilang fourth straight win laban sa UP alas 3 ng hapon.