Advertisers
ANG rescue ng dinukot na 14-year-old estudyante ay “stage managed”.
Ito ang ibinunyag ng mapapagkatiwalaang source sa loob ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes, na ang sabi, na ang angulong na-rescue ang kidnap victim ay ipinag-utos ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.
Inihayag pa ng source, na ang pagkaka-release sa biktimang estudyante ng British School of Manila ay ‘di dahil sa isang ‘police operation’ kundi dahil sa $1 milyong dolyar na ransom.
“Nang matanggap ni PNP Chief ang report ng AKG noong February 27, 2025, na na-rescue nga raw ang biktima, inatasan nito ang CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) na laliman ang imbestigasyon, dahil walang sinasabi sa report ng AKG kung may naaresto ang mga ito na suspek sa pagdukot sa biktima,” pahayag ng PNP source.
Nakatakdang ilabas ng CIDG ang report nito, na kalakip ang affidavit ng sinibak na hepe ng AKG na si Colonel Elmer Ragay, na nagsasabing ang anggulong na-rescue ang biktima ay utos na galing kay Remulla.
Ang affidavit ni Ragay ay nagsasabi rin na sinundo at ‘di na-rescue ang bata, sa isang “private residence” sa may Parañaque City, bago naihatid sa kanyang pamilya.
“The victim was not recovered by PNP AKG at the end of Macapagal Avenue on Feb. 25, 2025, as officially reported by PNP AKG. The victim was not rescued but was released somewhere and only fetched by (PNP AKG head Police Colonel Elmer Ragay and Police Colonel Jonathan Calixto) in the street outside the residence. This is also the reason no arrests were made,” ang nakasaad sa CIDG report na ipinakita ng source sa PNP.
Dagdag pa ng source, isang businessman na malapit sa pamilya ng kidnap victim ang nagbayad ng $1 million para mailigtas ang batang KFR victim.