Advertisers

Advertisers

Pederasyon ng TODA itatatag ni Pacman

0 21

Advertisers

TARGET ni dating Senador Manny Pacquiao na isulong ang pagkakaisa ng lahat ng mga tricycle drivers sa Pilipinas.

Sinabi ito ni Pacquiao nang magpulong ang mga lider ng TODA ng Muntinlupa, Parañaque at Maynila sa kanyang tahanan.

Lumapit ang mga lider ng Tricycle Operators and Drivers Association kay Pacquiao para maga bayan silang mga miyembro ng TODA sa buong Pilipinas na magkaroon ng isang pambansang asosasyon, pederasyon o brotherhood, na magtataguyod sa mga pangangailangan ng mga kanilang miyembro.



Sinabi naman ni Pacquiao na handa siyang tulungan ang mga miyembro ng TODA upang mabuo ang pambansang samahan nito at mapalakas ang pagkakaisa ng bawat miyembro.

Ayon kay Pacquiao pagkatapos ng eleksyon ay ilalapit niya sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang pagbuo ng pederasyon ng mga TODA.

Nangako pa si Pacquiao na bibigyan ng mga legal consultant ang mga ito at paunang pondo para maitayo ang pederasyon.

Ang konsepto ni Pacquiao ay maisulong ang pagkakaisa ng lahat ng tricycle drivers sa bansa.

Aniya, dumaan din siya sa pagmamaneho ng tricycle upang kumita noong kabataan pa niya kaya batid niya ang hirap ng pagiging tricycle dri-ver.



“Sino ba makakaunawa sa mahihirap kundi kapwa mahirap?” pahayag pa ni Pacquiao.

Malaking pasasalamat ang naging tugon ng mga lider ng TODA ng Muntinlupa, Maynila at Parañaque, kasama na si Ginoong Jorge Alcantara, presidente ng Tri Cab Engine Association of the Philippines.