Advertisers

Advertisers

Pagpapababa sa presyo ng bigas at iba pang agri products, isusulong ng ATEachers Partylist

0 16

Advertisers

NANGAKO si ATeacher Partylist Virginia Rodriguez na magsusulong ng mga inisyatiba para mapabuti pa ang edukasyon at mapababa ang Presyo ng pangunahing bilihin sa bansa kabilang ang bigas at iba pang agricultural products.

Si Rodriguez, na siyang author ng librong “Leave Nobody Hungry,” ay eksperto sa pagpapababa ng presyo ng pangunahing bilihin bunsod na rin ng kaniyang kaalaman sa agricultural output ng bansa.

Siya ay negosyante at philanthropist, na naging kauna-unahang Filipina na nagsulong ng cancer-free nation at sa pamamagitan ng paglikha ng organic vitamins para makatulong na labanan ang sakit na cancer.



Ayon kay Rodriguez, bahagi ng mga programa ng ATeachers Partylist ang paghihikayat na gumamit ng organic fertilizers at pagpapatupad ng modern agricultural techniques.

Nagtapos si Rodriguez sa University of the Philippines at master’s degree holder mula sa isang American institution.

Mayroon siyang malawak na kaalaman sa contemporary techniques at teknolohiya para mapataas ang ani sa palay at mapababa naman ang national import expenditures.

Kamakailan, nag-ikot ang Ateacher sa Luzon kung saan kanilang tinulungan ang mga magsasaka para tumaas ang kanilang produksyon at tinuruan sa paggamit ng organic fertilizers.

“A key focus of our program is to foster job creation and improve livelihoods through the use of organic fertilizers, the modernization of farming practices, and the development of innovative agricultural methods,” ayon kay Rodriguez.



Target din ni Rodriguez na mas mapagbuti ang imprastraktura sa bansa at ang mga kalsada patungo sa mga paaralan.

Patuloy na umaangat ang A Teacher Party List sa mga survey habang nalalapit ang May 12, 2025 National and Local Elections.