Advertisers

Advertisers

MAY DIKTADOR SA PSC?

0 31

Advertisers

SA mga magkakabalahibo o pareho ng pakpak tunay na nakakahawa ang baluktot na gawa partikular sa pamamahala. kapag tiwali ang mga nasa itaas, gagapang at mananalaytay sa ugat ang palsong nakasanayan mula bahagi ng ulo hanggang kalingkingan

Kung may loko sa palasyo, kakalat ito padausdos hanggang pinakasitio ng barangay mismo. Lalo sa mga ahensiya ng pamahalaan ay di ligtas ang Philippine Sports Commission sa aspetong yan.

May mga nakarating na impormasyon sa inyong kaisport na dapat ipaliwanag sa ating korner ang isyu diumanong may mistulang diktador sa PSC. Ayon sa ating puting kuneho sa Vito Cruz partikular sa Rizal Memorial Sports Complex na kinatitirikan ng admin building ng PSC, masyado nang asiwa ang mga kawani, kaswal man o organic sa pagiging konyo daw ng pinuno ng ahensya lalo na sa aspeto ng pagiging matapobre at halos ituring na ‘indio’ kuno ng mestisong nombrado ng pangulo ng palasyo.



Isang nakakabagabag na reklamong nakarating sa UPPERCUT ay ang hindi pag -respeto o pagbalewala sa mga nanalong kontraktor ng proyektong may kinalaman sa ahensiya lalo kung di ito malapit sa liderato , kaibigan o kamag-anak at ang kawalang aksyon sa mga opisyal na di nagsusumite ng overdue liquidation pati ang pag-divert ng pondo sa ibang pagga-gamitan na siyempre ay may makikinabang.

Ayaw din umano nang lider ng komìsyunado na may sumasalungat o tumututol sa gustong mangyari ng board sa mga kuwestiyonableng transaksyon. Kaaway na umanong maitututring ang sino mang, tututol sa kanilang dapat I-resolba kahit may bahid ng tiwali o sinasadyang pagkakamali na tila estilong biscam sa Kongreso.Resulta, olat ang tumindig sa totoo at panalo ang pakawala ng palasyo.

Ang E.D. nga ng komisyunado ngayon ay namimili umano ng haharapin at ang may timon sa PCOO nito ay dehins din dikit sa media na dapat ay trabaho niya bilang PRO ng kanyang amo. Malayung-malayo sa mga naunang media relation officers kaya ang atmosphere umano sa PSC ay pinangungunahan ng diktdador at galamay na kung umasta ay kanila na ang ahensiya na dapat ang prayoridad ay kapakanan ng mga atleta.Hindi ito dapat dahil boarder lang sila sa Rizal at pagkatapos ng termino ng nag-appoint sa kanila ay alsa- balutan na rin sila.

Ganun lang, trabahong tapat lang,tiyak na zero sita kayo diyan.Transparency lang para sa good governance.

Paki-ekspleka mhester TSERMENDIKI BEKENEMEN!!



Lowcut :Special shoutout sa ating tsokaran, kaisport at kamanibela KURT CONCEPCION- sales executive ng tanyag na MCARSPH diyan sa me kalye Yague ng Bgy.Maysilo sa Malabon City. Basta kakotsèhan ang pagu-usapan..

MCARSPH ba kabayan.Drive your dreamcar na GARANTISADO! Call 0945193572 for more info..NOW NA!