Advertisers
Pinuri ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc (AGAP) partylist Rep. Nicanor ‘Nikki’ Briones ang ginawang pagpupursige nina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Asec . Domingo Panganiban para imbestigahan ang nasabat na 19 fourty-foot container at may halagang 202 million na frozen mackerel na misdeclared bilang frozen fried taro na naka-hold simula pa noong Enero 20, 2025. Dito umaksyon na rin ang Bureau of Customs (BOC).
Sinabi ni DA Sec. Laurel, na maaaring maharap ang mga responsable sa smuggling sa kasong Anti Agricultural Economic Sabotage Act, dahil mahigit P10 milyon ang halaga nang nasabat na kargamento. Malaki ang epekto ng naturang mga ilegal na aktibidad sa lokal na sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Ayon kay Briones, kung siya ang tatanungin pasok ito sa Anti- Agricultural Economic Sabotage Act, na non- bailable, lifetime imprisonment, 5 times ang multa at dapat nakakulong na ang mga sangkot dito at malinaw na sakop ito ng naturang batas.
“Dapat ang enforcement group ng Economic Sabotage council tulad ng NBI, PNP at Coast Guard ang manguna sa pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa mga nahuling kargamento para magkaalaman na,” wika ni Briones.
Sinabi ng customs na nagpalabas sila ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) para sa paglabag sa Section 1113 kaugnay ng Section 1400 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ayon kay Briones, dapat kasuhan ng customs ang mga salarin sa ilalim ng bagong batas na Anti-Agricultural Economic Sabotage Act at hindi sa CMTA dahil wala namang nakukulong simula ng maging batas ito dahil customs ang nag-iimbistiga at nagpa-file ng kaso. Naniniwala ang marami na hindi magkakalakas ng loob ang mga smuggler kung walang kasabwat sa loob ng customs.
Nagtataka si Briones, kung bakit pilit ipinapasok ng BOC sa CMTA law ang kaso? Aniya, bakit hindi i-turn over ng BOC sa NBI o Economic Sabotage Council ang kaso ng kaagad makulong ang mga nahuling smuggler. At bakit pinangungunahan ng BOC ang pagpa-file ng kaso.
“Malinaw naman na sinabi ni Asec. Panganiban at Sec. Kiko na sila ang nanguna na imbestigahan ang mga nahuling makarel nitong Enero. “Maliwanang na technical smuggling ito at nagkaroon ng misdeclaration, dahil worth P200 million, pasok na pasok ito sa bagong batas,” wika ni AGAP Rep. Briones.
Sinabi ni Briones na kapag ipinasok ng BOC sa CMTA, mapipilitan na sila dumulog kay PBBM, Sec. Kiko, at NBI upang makiusap ang mga agri- sector at magpetisyon para paimbestigahan ng malaliman at kaagad masampulan at makulong ang mga consignee, broker at mga tiwaling opisyal.
Dagdag ni Briones, na kung hindi nagsikap ang DA at Bureau of Fishery na imbestigahan ito tiyak lusot na naman ang smuggling ng mackerel at galunggong na ito.
Ayon kay Briones nararapat lamang malaman ito ni Presidente Marcos.
Nanawagan ang mga sektor ng magsasaka kay Pangulong Marcos na magkaroon ng malalimang imbestigayon sa naturang talamak na pagpupuslit ng mga kargamento sa bansa sa pamamagitan ng Enforcement group tulad ng NBI, PNP, at coast guard upang kaagad mahuli ang consignee, broker, may-ari at kung sino ang mga kasabwat sa customs.
Sinabi ni Briones na isa ito sa kanilang adbokasya ang ipaglaban ang trabaho at hanapbuhay ng mga mangingisda.
Natutuwa si Rep. Briones na sa kasalukuyan mayroon ng nagiging resulta ang kanilang naging paghihirap sa ginawa nilang batas, dahil mayroon ng nahuhuli at naipapakulong.