Advertisers

Advertisers

Hannah White humakot ng 12 medals sa 2025 Forbisia Games

0 6

Advertisers

HUMAKOT ng 12 medalya ang Filipino Filipino-British na si Hannah White, kabilang ang 3 rekord- breaking feats sa swimming kumpetisyon ng 2025 Fobisia Games na ginanap sa Pattana Sports Resort sa Chonburi, Thailand.

Bilang kinatawan ng ABC International School (ABCIS), pinakita ni White ang kanyang kakayahan sa girls’ 50m butterfly, nagtala ng bagong rekord sa bilis na 30.81 seconds.

Binasag ni White ang ibang rekord sa 100m Individual Medley, sa tiyempong 1:12.09.



Bahagi rin siya ng ABCIS team na nag sumite ng bagong marka na 58.80 seconds sa girls’ 4x25m freestyle relay.

Kumita si White ng additional three gold medals na all rekord-breakers sa swimming event kung saan pinagkalooban ng special honors.

Bukod sa three gold medals, nakupo rin ni White ang silver medal sa medley relay.

Ang maraming nalalaman ni White ay hindi limitado sa swimming, ang multi-talented athlete ay sumasabak rin sa athletics, basketball at football events.

Sa athletics, nagwagi rin si White ng gold medal sa girls’ 1,500m run, habang nakakuha ng silver sa girls’ 800m run, at two bronzes sa girls’ high jump at girls’ 4x100m relay.



Gayunpaman, si White ay bahagi rin ng champion girls’ team sa basketball event, habang ang kanyang team ay nagtapos fifth sa football kumpetisyon.

Pinuri ni ABCIS PE head Andy Smith si White sa kanyang excellent leadership at mga kasama niya sa team.

“We would like to thank team captain Hannah White for leading by example and the entire ABCIS squad for their hard work and dedication. They showed that if you prepare correctly and are willing to put in the time, anything is possible,”Wika ni Smith.

Hannah ay isa sa three White siblings sa swimming community.

Ang kanyang matandang siblings, Heather at Ruben, ay bahagi ng national junior swimming team at kasalukuyang nagaaral sa United States at Great Britain, ayon sa pagkakasunod.