Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
“BATUBALANI” ang pinakabagong kanta ng Sparkle artist na si Anthony Rosaldo sa ilalim ng GMA Playlist.
Ano ang inspirasyon ng naturang kanta?
“Batubalani” is a song that I wrote, 2022 pa, so matagal na siyang nakabangko.
“And my inspiration actually is from the title itself, “Batubalani”, so parang if I’m not mistaken, na-encounter ko yung word somewhere in an article yata or a video, tapos I got curious kung anong meaning nung Batubalani.
“So yung meaning po ng Batubalani is magnet, magnet siya, so “Batubalani” is a love song, so if you guys listen to the lyrics, tungkol siya sa pag-ibig ng isang taong hindi kayang mahiwalay sa kanyang mahal.
“So lagi siyang naghahanap ng chance na mapalapit sa kanya and hindi sila magpahihiwalay. So it revolves around that and I, as a big fan of mga K-drama, ganun sila, di ba?
“Pag napapanood yung bida, parang grabe naman sila, hindi sila mapaghiwalay, yung love nila against all odds, sila lang forever.
“So parang ganoon, dun po tumakbo siya.”
Kanino sa showbiz siya naba-batubalani?
“Marami, e!
“Naba-batubalani ako pag nakikita ko si Miss Heart,” pagtukoy ni Anthony sa Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista.
“Sino pa ba? Si Miss Marian,” pagbanggit naman niya sa GMA Primetime Queen na si Marian Rivera.
“Yung mga beauty nila nakaka-batubalani po, so sila po yung mga nakaka-magnetize sa akin.”
Stage actor si Anthony at malapit na siyang mapanood sa musical play na “Liwanag Sa Dilim”.
Ano ang fulfillment na nakukuha niya sa theater acting?
“So, yung fulfillment ko naman po sa theater, iba kasi e,” pakli niya, “I mean, when you’re in theater, it requires a lot of hard work.
“Hard work, patience, and also being genuine to your co-characters, and to also being accepting sa lahat ng puwede kong i-feed sa iyo.
“So marami po siyang things na makaka… mapu-fulfill ka kasi nagawa mo ito, in the span of time, nakapag-memorize ka, nakapag-choreograph ka, you’re able to give feelings na hindi mo basta-basta nabibigay on a normal day.
“And also, sa singing kasi, it’s just that one song that you have to interpret and give emotions to. Pero sa theater po, kailangan talagang bigyan mo ng buhay yung isang character and make people believe, yung mga nanonood po, na ikaw talaga yun and kasama mo sila sa journey mong yun.
“So there’s magic in theater po, na I find very, very fulfilling and I’m very satisfied.”
Aminado si Anthony na mahirap gumanap sa teatro.
“Alam ko mahirap talaga e, I mean, pagdadaanan mo siya ng mahirap, ida-doubt mo yung sarili mo, you will question yourself.”
Pag-amin pa ni Anthony dumaan siya sa anxiety dati.
“I also struggled with anxiety when I first did theater, so parang pag napagdaanan mo na siya lahat… tapos nagpe-perform ka na and you’ve done a two-and-a-half-hour show ng dire-diretso, walang cut, ang sarap sa pakiramdam, lalung- lalo na po sa curtain call.
“So ayun po, those are the feelings na hindi ko makukuha with just singing po.”