Advertisers
Hindi lang pumasok sa “Magic 12” si senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos at sa halip ay pumasok sa “First Five” nang makuha ang ika-4 na puwesto sa mock senatorial elections “MSE” ng Ateneo Law School para sa darating na halalan sa Mayo 12.
Sa isinagawang MSE nitong Pebrero sa mga estudyante ng Ateneo Law School, nakakuha si Abalos ng 46.7% na boto, kaya nakuha niya ang ika-4 na puwesto – pasok siya sa “First Five”.
Alam niyo naman kapag kabilang ka sa mga inilalaban na “First Five”, ibig sabihin magaling ka, matino ka, etc.
Ang mock elections ng isa sa mga pinaka-prestihiyosong unibersidad at paaralang pangbatas sa bansa ay tugma sa iba pang mga resulta ng survey na nagpapakita ng sa lumalakas na momentum ni Abalos sa kanyang kandidatura sa Senado.
Sa pinakahuling survey ng Octa Research at Tanger, pumasok si Abalos sa Magic 12, isang malaking tagumpay kumpara sa mga datos ng survey noong nakaraang taon.
Si Abalos na tumatakbo sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ay nakatanggap ng maraming parangal bilang alkalde ng Mandaluyong City, kung saan binago niya ang maliit na lungsod sa Metro Manila at ginawang “Rising Tiger” ng bansa dahil sa mga repormang pang-ekonomiya na nag-akit ng mas maraming mamumuhunan.
Kung si Abalos ay “Fav 4” ng mga estudyante ng Ateneo, siya naman ay masasabing numero uno “Top 1” sa grupo ng motorcycle groups. nasasbi natin ito makaraang italaga ng grupo si Abalos na kanilang Ambassador para sa Kaligtasan sa Kalsada.
Sa layuning isulong ang mas ligtas na kalsada para sa mga nagmomotorsiklo at mga gumagamit ng tatlong-gulong na sasakyan, dalawang pangunahing grupo ang nagtalaga kay dating Kalihim ng Interior at dating Alkalde ng Lungsod ng Mandaluyong.
Kinilala ng Motorcycle Philippines Federation at Motorcycle Road Safety Warriors si Abalos bilang Ambasador dahil sa kanyang malawak na karanasan sa serbisyo publiko at dedikasyon sa pamamahala ng trapiko.
“As a leader who has long advocated for road safety, we believe that Benhur Abalos is the right person to champion the welfare of motorcycle and three-wheeled riders,” sinabi ng grupo sa isang joint statement. “We trust that he will work towards policies that protect and benefit riders across the country.”
Binigyang-diin nina Abalos at ng mga grupo ang agarang pangangailangan para sa mas mahigpit na mga hakbang sa kaligtasan sa kalsada, kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga aksidenteng may kinalaman sa mga motorsiklo.
“In 2022, the Road Safety Unit of the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) recorded at least 26,599 motorcycle accidents. This figure surged by 17.3 percent or 31,200 in 2023, meaning that an average of 78 motorcycle accidents occur daily in Metro Manila alone,” pahayag ni Abalos
Ipinaliwanag pa ni Abalos na habang ang mga banggaan na may kinalaman sa motorsiklo ay bumubuo ng 22 porsyento ng lahat ng aksidente sa kalsada noong 2023, ang mga insidenteng kinasasangkutan ng mga kotse ay umabot sa 54 porsyento ng kabuuang bilang. Sa Metro Manila lamang, iniulat ng MMDA na may mahigit 86,000 aksidente sa sasakyan noong nakaraang taon.
Batay naman sa datos ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), may 31,258 aksidente sa kalsada na naitala sa buong bansa noong 2024. Sa bilang na ito, 15,690 ay may kinalaman sa motorsiklo, habang 4,224 naman ang sangkot ang mga traysikel.
Dahil dito, binigyan-diin ni Abalos ang kahalagahan ng edukasyon sa pagsusulong ng kaligtasan sa kalsada tulad ng pagkaroon ng mga paksang nauukol sa road safety sa kurikulum ng senior high school bilang paghahanda sa pagkuha ng lisensya sa pagmamaneho.