Advertisers

Advertisers

260 China ships namataan sa WPS noong Pebrero – PH Navy

0 4

Advertisers

NAMATAAN ang may 260 Chinese vessels, kabilang na ang warships, sa West Philippine Sea (WPS) noong buwan ng Pebrero ayon sa ulat ng Philippine Navy.

Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Philippine Navy spokesperson for the WPS, kabilang sa kanilang namataan ay ang siyam na China Coast Guard (CCG) vessels malapit sa Bajo de Masinloc at pitong iba pa sa Ayungin Shoal. Idagdag pa rito ang dalawang People’s Liberation Army Navy (PLAN) ships ang nakita sa mga nasabig lugar.

Sa kabilang dako, todo-depensa naman si Chinese Foreign Ministry spokesperson Guo Jiakun sa presensya ng Chinese vessels sa loob ng Philippines’ Exclusive Economic Zone (EEZ), sinabi nito na ang soberanya ng Tsina at maritime rights sa South China Sea ay nakaugat sa ‘historical claims at international law.’



Iginiit pa rin nito na ang CCG ay nagsagawa ng patrols at law enforcement operations sa lugar alinsunod sa Chinese law, sabay sabing ang aksyon na ito ay “fully justified.”