Advertisers
Pinuri ni Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist (TRABAHO), ang 11,063 na trabahong magagawa ng P52.933 bilyong investments na inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) mula Enero to Pebrero 2025.
Bukod pa rito, pinuri rin ng TRABAHO ang paglaan ng mga nasabing trabaho para sa mga manggagawang Pilipinong kwalipikado.
Hinimok ni Atty. Espiritu na samantalahin ang pagkakataon na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga programa para sa pag-aangat ng kasanayan at pagtutugma ng trabaho, lalo na sa sektor ng energy transition na nangangailangan ng mga highly specialized na kasanayan at mataas na antas ng edukasyon.
Saklaw ng mga inaprubahang proyekto ang mga industriyang export manufacturing, IT-BPM, domestic market venture, facilities development at ecozone development.
Layunin ng TRABAHO na matiyak na ang bansa ay magkakaroon ng kwalipikadong labor force para sa mga nasabing industriya upang masiguro ang mataas na kalidad at pangmatagalan na trabaho para sa mga Pilipino sa mga susunod na taon.
Magsasabatas ang TRABAHO ng mga programang pakikipagtulungan sa mga kolehiyo upang mag-set-up ng on-the-job training programs kasama ang mga kumpanya sa renewable energy industry upang mapataas ang tsansa ng mga magtatapos na makahanap ng trabaho.