Advertisers
Nasa Bahay Kanlungan na ang 16-anyos na wanted sa 2 kaso ng statutory rape ng maaresto sa pinaigting na kampanya ng Eastern Police District sa Brgy. Bagong Ilog, Pasig City.
Ayon sa ulat ni EPD-district director P/Col. Villamor Tuliao, kinilala ang suspek na si alyas “LCD”, binatilyo at may kasong paglabag sa Article-266-A ng Revised Penal Code ng section 5 ng RA8369.
Dinakip ang suspek ng mga operatiba sa inilabas na warrant of arrest ni Hon. Reinelda And stacio-Montesa, Presiding Judge ng RTC branch-159 noong Pebrero 19 ng National Capital Judicial Region sa lungsod.
Unang hinalay umano ng suspek ang 14-anyos na biktima na kapatid ng kanyang kaibigan noong 2023.
Hanggang maulit at mabuntis ang biktima kung saan nagsampa ng kaso sa korte ang pamilya.
Dagdag ni Col. Tuliao, nakababahala na umano ang mga ganitong kaso dahil pawang kabataan ang sangkot sa kasong sexual violence. (Edwin Moreno)