Advertisers

Advertisers

Show ni SV papalitan ng syotang si Rhian; Robi sasampulan ang basher

0 12

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MUKHANG masasampulan ang basher ng TV host na si Robi Domingo. Personal kasi na bumisita siya sa opisina ng National Bureau of Investigation ( NBI). Kaugnay ito sa naging bash ng isang netizen sa kanya, kung saan binantaan siya nitong ibabash mula ulo hanggang paa sakali raw na ireto o tuksuhin ang mga hurado sa Pilipinas Got Talent na sina Kathryn Bernardo at Donny Pangilinan.

Ganun nga kababaw ang nasabing basher na fan umano ng DonBelle ( Donny Pangilinan st Belle Mariano).



Bungad ng post ni Robi, accountability.

Sinundan ng, “I visited the NBI today and met with Chief Bomediano and Atty. Tucay. Thank you for answering all my questions!”

Ibinahagi naman ni Robi ang kanyang mga natutunan sa kanyang naging panayam kina Chief Bomediano and Atty. Tucay.“1. You can file a complaint against any government agency, especially if your safety is at risk. It’s free to file.

“2. Always take screenshots of your complaint and the URL. Even if it’s deleted, the digital trace is still there. (If someone deletes it, it could show intent.)”

Sa comment section ng kanyang NBI post ay may pahabol pa si Robi, “BTW, I didn’t delete the comment the troll made. It was him/her who removed it from the comment section thus deleting the whole thread. (Also, it may become addtional proof of intent because of malice.)”



Tila hindi palalagpasin ni Robi ang mga bashers niya kaya ngayon pa lang ay gumawa na siya ng hakbang.

***

DAHIL tumatakbo si Sam Versoza bilang mayor ng Manila kaya tatapusin na ang kanyang public service program na Dear SV, kahit pa marami ang natutulungan nito. Bawal kasing napapanood sa sariling show ang bawat kandidato.

Ang papalit sa iiwanang show ni Sam ay ang travel/lifestyle show na Where in Manila, na ang host nito ay ang kanyang girlfriend na si Rhian Ramos.

Sa March 8, Saturday na ang pilot episode nito, 11:30pm sa GMA 7.

Sabi ni Rhian tungkol sa kanyang bagong show,”I am so so excited to be hosting this show. It’s not just going to bean experience and a learning experience for our audience, pero siyempre para sa akin din,” sabi ni Rhian.

Dagdag niya,”We call it Where In Manila, but it’s actually covering the whole Metro Manila. Of course, this is our capital, it’s the capital of the Philippines. And so much can be found here.

“In our first shoots pa lang, I’ve been able to have a lot of first time experiences also.

“I just want to help to celebrate with our audience what can be found dito mismo sa Pilipinas.”

Natutuwa ang aktres na nabigyan siya ng ganitong klase ng show dahil aniya ay mahilig din kasi siyang mag-travel, at magagawa niya nang mapupuntahan ang iba’t ibang magagandang lugar sa Manila.

Where In Manila will serve as your ultimate guide in exploring the Metro. Masaya ang show at napaka-informative. It will allow us to discover the best restaurants, kung saan tayo puwedeng kumain, the trendiest hang outs, and must visit destinations in Manila.

The program will also uncovered the history, culture, roots and significance of places and trends around the city.