Advertisers

Advertisers

SEN. TOLENTINO, KAKAYAHAN NG LOCAL LADY LEGISLATOR LEAGUE, DI KAYANG SUKATIN!

0 16

Advertisers

Naniniwala si re-electionist at Senate Majority leader Senator Francis “Tol” Tolentino na hindi kayang sukatin ang kakayahan ng kababaihan sa henerasyon sa kasalukuyan.

Ito ang binigyaang-diin ni Tolentino, sa pagdalo sa (4L) o Local Lady Legislator League of the Philippines.

Hindi rin naikaila ng Senador na ang pang-araw-araw na lakad nito ay puro babae ang kanyang nakasama.



Kahit bago pa umano s’ya maging Senador hanggang sa ngayon ay babae ang kanyang security aide at executive assistance.

Pinuri din nito ang ambag ng kababaihang mambabatas at mga Local Government Unit na kayang pantayan o higitan ang kakayahan ng mga kalalakihan.

Tiwala din si Tolentino na pamalit sa mga nagtapos ng termino ang kaanak na isang babae na tumakbo at mamuno sa bayan dahil sa talento at pambihirang kakayahan.

Inihalimbawa nito ang dating Pangulong Corazon Aquino at Gloria Macapagal Arroyo na balang araw umano ay mayroon pang kababaihan ang maging Pangulo ng bansa.

Maging si Quezon City Mayor Joy Belmonte na unang babaeng naging Mayor ng lungsod.



Pinaalalahanan din ng Senate Majority leader, ang mga kababaihan na ituloy ang mga ginagawa at nasimulan bilang bahagi ng women’s month.

Nanawagan din siya sa lahat na sama-sama tayong protektahan ang Palawan na isa mga lugar na bahagi ng Pilipinas.