Advertisers
TUNAY na namamayagpag ngayon ang mga state colleges and universities sa mga nilalahukang sports competitions nationwide.
Kabilang na diyan ang Polytechnic University of the Philippines na nagtuon na ng di birong atensiyon sa kanilang programang pampalakasan.
Kamakailan ay naghandog ng karangalan ang women’s basketball team nito mula sa isang prestihiyosong torneo.
Sineguro ng PUP na di makaporma ng rally ang mahigpit na karibal na University of Makati upang iukit ang kanilang kampeonato sa Universities and Colleges Premiere League( UCPL)women’s division recently sa PUP Gymnasium sa Sta Mesa, Manila.
Nagbabagang opensa at malagkit na depensa ang inilatag ni PUP Lady Radicals head coach Buboy Rodriguez upang gitlain ang lady dribblers ng UMak tungo sa kumbinsidong panalo,72-55 at angkinin ang buwenamanong korona ng koponang Sta Mesa na ipinagbunyi ng dumagsang homecrowd.
Nagpamalas agad ng lakas on both ends ang PUP sa sanib -puwersa nina Lady Radicals Bernalyn Andrea Aragon, Glady Mae Casupang at Karen Francisco ( top 3 scorers) katuwang sina Carmela Reyes, Mikai Misahon, Mei Taguiam, Ara Concepcion, Shiv Ortega, Cherelyn Arcega, Hasmie Emia, Faith Dalangin, Yas Alpanghi, Abby Ariones, Sachi Jimenez, Allana Rerencio at Joyce Andal para tuluyang dominahin ang bakbakang wala nang bukas at pagreynahan ang prestihiyosong UCPL via sweep mula eliminations hanggang finals sa timon ni Coach Rodriguez at deputies John Ramirez, Jon Molina, Benito Testor at Edwin Parfan.
Sa panayam ay sabay-sabay silang nagpasalamat at inihandog ang. klasikal na tagumpay sa management partikular kay team manager: Marvin Adolfo – MPAMS at kina PUP President: Manuel M. Muhi, PUP SDPO at Director Romulo Hubbard.
“Susi ang defense namin especially on Densing ,ang top player ng UMak na nalimitahan ang opensa sa buong laban.Sinasabi ko palagi sa kanila na defense wins championship”, wika ni winning coach Rodriguez na ninamnam ang unang kampeonato sa UCPL dagdag sa mga nauna na niyang titulo bilang head coach sa SCUAA NCR( 2X), SCUAA National (1) at MILO WBL ( 4X).
Bukod kina PUP prexy Muhi , team manager Adolfo at director Hubbard, pinasalamatan din ni Rodriguez si VP for Student Affairs and Sevices Tomas O.Testor sa kanilang todo suporta sa women’ s basketball team.
Si Rodriguez ang tinanghal na best coach ng torneo at season MVP si Aragon habang Finals MVP naman si Casupang.
Ipagpatuloy ang laban sa hardcourt… YUPPIE SA PUP!!!